Lazada

Saturday, March 4, 2017

Para Sa’yo Ni Jizelle P. Juntayas

Para Sa’yo
  Ni Jizelle P. Juntayas

Mapupungay, singkit at itim na mata
 Anggulong kahit saan mo tignan ay maganda
 Halimuyak mong dinaig pa ang rosas
 Ang kahit sino'y mapapatingin sa'yong landas
 Laging may ngiting nakadikit sa'yong mukha

Ngunit hindi iyan ang mga dahilan
 Aking sinta, kung ba't ika'y nagustuhan

Mahal mo ang pamilya mo higit sa'kin
 Ako ay lagi mong handang intindihin
 Hindi man tayo madalas na magkita
 Ako'y di pinapabayaan sa'n man magpunta
 Luha ko ay lagi mong handang pahirin

Kahit anong problema man ang dumating
 Ika'y di nagsasawang ako'y mahalin
 Tila isa kang biyaya galing langit
 At ako ang maswerteng iyong napili

1 comment:

  1. <3 <3 <3
    Nakakakilig kapag nakikita mong nakangiti sa'yo ang taong mahal mo :)

    Totoo kaya ang sinasabi nila na kapag iniibig mo na ang isang tao ay hindi mo alam kung ano ang dahilan nito ?

    :)

    ReplyDelete