Lazada

Saturday, March 4, 2017

HINAGPIS Ni: Stephanie Caronongan Malinao

HINAGPIS
 Ni: Stephanie Caronongan Malinao

Tatlong taon na ang nakalilipas,
 Delubyong naranasan ng mga taga-Visayas.
 Ang Yolandang marahas,
 Tila kailanma'y 'di mabibigyang-lunas.

Tulong na nais matanggap,
 Nararamdaman sana'y parang nasa ulap.
 Ngunit ang gobyerno, ito'y hinarang,
 Kaya't kanilang natanggap ay kulang-kulang.

Karamihan sa mga biktima'y magsasaka,
 Kaya di alam kung saan kukuha ng kwarta.
 Sa tulong ng gobyerno, sila'y umaasa,
 Ngunit pangmamaliit ang natamo nila.

Walang mahirap, walang mayaman, sabi ng gobyerno,
 O Diyos ko, ano ito?
 Walang ibang maramdaman kung 'di panlulumo,
 Para sagobyernong pinagkakatiwalaan ng maraming tao.

O aming gobyerno, nasaan na ang pangakong binitawan?
 Mga pangakong tila napako sa kawalan.
 Mga tulong sa Tacloban ay kailan mahahagkan,
 Sa paglipas ng panahon, ito ba'y masisilayan?

Pamahalaan, ano ang inyong ginagawa?
 Bakit sa isang sulok, kayo'y nakatunganga?
 Mga tao sa Tacloba'y mamamatay ng nakabulagta,
 May pag-asa pa ba? Sana'y mayroon pa nga.

2 comments:

  1. Kitang kita sa akdang ginawa ang mga pagdurusang natamasa ng mga biktima ng Yolanda. Ipinakita na ang mga biktima ng Yolanda ay sobrang naapektohan sa kalamidad na kanilang naransan. Madaming buhay ang nawala, mga trabaho, pera at pagkain ay wala na. Ayon din sa mga balitang ating nakukuha madaming mga tulong ang hindi nakaabot sa mga nasalanta. Makikita dito na an gating gobyerno ay hindi ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang mabigyang lunas sa mga nasalanta. Dahil dito ay patuloy na nawawalan ng pag-asa at tiwala ang mga taga Tacloban. Ika nga sa akda, sana ay may pag-asa pa para sa mga nasalanta.

    ReplyDelete