Lazada

Saturday, March 4, 2017

Tu me manques ni Heidie Torzar

Tu me manques
ni  Heidie Torzar

Tamang panahon
Tama pa bang mag hintay ako?
May hinihintay pa ba ko?
Ang daming tanong sa kaisipan

Mas lalong gumugulo pag nakikita ka
Relasyong hindi matapos tapos
O baka naman tapos na
Hindi ko lang tanggap na tapos na

Dahil hinihintay ko padin yung araw na sabihin mo sakin
Balik ka na, miss na miss na kita
Kay raming dumaan na tao sa pag lipas ng panahon
Sinubok kalimutan ka
At ang sakit
Dahil alam ng sarili ko
IKAW PARIN

1 comment:

  1. MACALALAD, Miko B.

    Tu me manques- I miss you

    Lahat naman siguro tayo ay dumaan o dadaan sa aspetong ito ng ating buhay. Sa dami ng taong nakakasalamuha natin araw-araw, may mga taong magbibigay sa atin ng bagong pagtingin sa buhay o magbibigay sa atin ng pag-ibig. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay magiging masaya ang ating pag-ibig. Magwawakas ito maaaring sa maayos o sa masakit na paraan. Pinapahiwatig ng tulang ito ang kalituhan kung umaasa pa ba siya sa wala, kung babalik pa ba ang dating tamis sa kanila ng dati niyang irog, o kung hindi lamang ba niya matanggap at tanging siya na lang ang naiwan sa nakaraan, at sakit, dahil kahit ano pang gawin niya ay tila hindi siya makalimot, dumaan man ang maraming panahon, alam niya sa sarili niya na iisa pa rin ang laman ng kanyang puso. Para sa akin, madaling maintindihan ang konsepto ng tulang ito at punung-puno ito ng damdamin.

    ReplyDelete