SALAMAT
ni April Pauline Tayoni
Mga lambingan
na sirang plaka sa isipan
kay sarap balikan
pero ayoko nang masaktan
Mga salita mong makapangyarihan
ay kailangan kong labanan
Pangako mong tayo'y walang hanggan
ay hindi mo nga napatunayan
Hindi ikaw yung tipong iniiyakan
mapanakit ng nararamdaman
ngayon puso ko ay sugatan
kaya dapat sayo ay nilalayuan
Ang hirap mong kalimutan
nakaukit sa puso ko iyong pangalan
pero kailangang gumawa ng paraan
Ako eto ngayon sinusubukan
na alisin ang kalungkutan
Nananalangin na patnubayan
at nangangakong sarili ko'y aalagaan
lahat talaga ng bagay sa mundo ay naglalaho hindi mo alam kung bukas ay nasa iyo pa o wala na
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteHindi lahat ng bagay sa atin ay permanenteng sa atin na talaga dahil hindi mo alam na ang pinaka mahalagang bagay na iyon ay bigla na lang mawawala na parang bula na hindi na alam na rason kaya maraming nasasaktam dahil sa ganitong pangyayari ngunit nagpapasalamat parin sila na ang bagay na iyon ay may magandang naidulot sa kanilang mga buhay.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletehindi sa lahat ng oras ay para saatin ang mga ganyang tao, sabi nga ng iba hiram lang natin ang buhay sa diyos siguro sya din ay hiram mo lamang at hindi sya permanente pero kahit na nasaktan ka na wag kang matakot na mag mahal ulit
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteMay mga bagay siguro talagang kailangan nating tanggapin ang katapusan. Na magiging isang magandang alaala at parte na lamang ito ng ating nakaraan. Dahil mahirap na ikaw nalang yung lumalaban sa inyong dalawa. Kaya mas magandang habang maaga alam mo na ang dapat mong gawin at ng makontrol ang iyong damdamin.
ReplyDeleteMahirap man ang proseso nito ay dadating din ang panahon na maghihilom din ang lahat ng iyon at magiging isang aral.
AIRA MAY JUDAN
Lahat ng bagay ay may katapusan. Maaaring natapos na ang inyong kwento ngunit hindi ang iyong buhay. Magpatuloy mabuhay at tanggapin na ang lahat ay may simula at meron ding katapusan. Kapag ang bagay na nakapanakit sayo ay unti-unti ng natanggap ay mawawala na ang sakit at maiiwan ang ala-ala. Ang sakit naman ay panandalian lang. Hintayin lang ang panahong maghihilom ang sakit at magiging leksyon na lamang ang lahat.
ReplyDeleteMay mga tao na hindi talaga para sa atin. Yung tao na akala mo makakasama mo habang buhay ngunit hindi pala. Kahit gusto mo pa sya makasama at balikan pero kung alam mong masasaktan ka lang ay huwag na.Yung taong naging dahilan ng kasiyahan mo at ang may kasalanan ng iyong labis na kalungkutan. Siguro isa lang syang pagsubok na dumating sa buhay mo, dahil sa kanya natuto ka at patuloy ka pa rin sa buhay. Isipin na lang na may darating parin na tamang tao para sayo.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteGanyan talaga ang buhay, minsan may mga bagay na di para sayo, may mga bagay naman na para sayo. Minsan sinasabi nila na madaya ang buhay, hindi, sapagkat dapat marunong ka lamang magantay ng para sayo. Dahil lahat ng mga nangyayare saatin ay may dahilan ang poong may kapal.
ReplyDeleteDANIEL JOHN SANCHEZ
Sabi nga nila pagbabago lang ang nag iisang permanenteng bagay sa mundo. Maaring hawak mo pa siya ngayon pero hindi mo alam kung mamaya o bukas ay wala na siya sa iyo. Wala kang magagawa kundi ang hayaan na lamang siya at palayain siya. Hindi nasusuktan ang katatagan ng isang tao, nakikita ito kung gaano ka katapang na palayain ang mga bagay na hindi naman para sa iyo.
ReplyDeleteALLIAH GAIL A. BAUTO
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteAyokong sabihing walang forever pero alam kong may bagong simula. Hangga't alam natin sa sarili natin na hindi pa huli ang lahat ay kailangan nating magpakatatag. Marahil ay lubos tayong nasaktan pero gawin din natin itong kalakasan. Hindi ba huli ang lahat, sabi nga ng iba, marami pang iba diyan. Malay mo mas karapat-dapat sayo ang susunod na ibibigay sayo ng Diyos. Mahirap makalimot pero mas masaya sa pakiramdam kung alam mong nakapagpatawad kana.
ReplyDeleteAyokong sabihing walang forever pero alam kong may bagong simula. Hangga't alam natin sa sarili natin na hindi pa huli ang lahat ay kailangan nating magpakatatag. Marahil ay lubos tayong nasaktan pero gawin din natin itong kalakasan. Hindi ba huli ang lahat, sabi nga ng iba, marami pang iba diyan. Malay mo mas karapat-dapat sayo ang susunod na ibibigay sayo ng Diyos. Mahirap makalimot pero mas masaya sa pakiramdam kung alam mong nakapagpatawad kana.
ReplyDeleteNapakasarap sa pakiramdam na makarinig ng salitang SALAMAT, ngunit ganoon din pala kasakit, pag ginamit ito sa para sabihing huli na ang lahat at tapos na ang lahat.
ReplyDeleteMay mga taong dadating sa buhay mo pero dadaan lang at agad na magpapaalam. Natural lamang na masaktan pero hindi na tama kung lulugmok ka na lang. Isang mabisang paaran ay lumimot at tumayo sa kabila ng lungkot. Tandaan na kung may dumating sa buhay mong ikaw ay iniwan, may dadating din sa buhay mong mananatili at di ka iiwanan.
NERISSA B. CANULLAS
Masarap balik-balikan, Ngunit masakit kapag naalala mong tapos na pala iyon. Ngunit sila din ang nagsisilbing inspiration sa atin na dapat go lang wag papahadlang dahil sa nararamdaman mo. tandaan mo tpos na kayo kaya hanggang ala-ala nalang yang iniisip mo, kahit masakit kailangan tanggapin dahil minsan ay minahal mo rin naman sya.
ReplyDeleteCHARLES CORONEL
DeleteMinsan kasi iniisip natin na kaya natin panindigan ang isang bagay na sa katotoohanan ay mahirap ibase sa realidad. Ang mga tao ay nabubuhay sa pagpupukaw ng atesyon sa iba. Sa madaling salita ay nagagawa nilang makapagsabi ng hindi naman nila kaya, para lang mapasaya ang taong kanilang minamahal. Gaya ng sa tula. Marahil ay sa pamamagitan ng salita ay nailalabas natin ang kaaya-ayang tunog, ngunit kadalasa'y hindi natin napaninindigan.
ReplyDeletemahirap na baguhin ang nakasanayan na, gusto mo lumayo at magalit sa kanya ngunit ang iyong pagmamahal para sa kanya ang nagpupumilit upang hanap hanapin mo siya. Masakit man ngunit kailangan layuan upang mabawasan na rin ang sobrang sakit na iyong nararamdaman, ngunit wag kakalimutan lahat ng natutunan sa pangyayaring ito upang di na muli maulit ito.
ReplyDeleteSalamat dahil ikaw ay lumisan at napagtanto kong ikaw ay hindi karapat dapat.
ReplyDeleteHindi lahat ng nasa atin ay aabutin ng matagalan. May mga bagay o tao na mawawala rin makalipas ang ilang araw, buwan, o taon. Ang gawin na lamang natin ay sulitin ang mga araw na sila ay nasa atin o kasama natin. Magsaya tayo ng walang pagsisisi sa dulo.
ReplyDeleteWAG TAYONG MAGPAPANIWALA AGAD SA MGA SINASABI NILA SA ATIN
ReplyDeletesalamat sa mga salita, sa mga salitang hanggang sa salita na lang, salamat tinuruan mo kong maging matibay ikaw ang nagturo upang maging malakas at matuto sa mga bagay-bagay dito sa mundo.
ReplyDeletekahit bigo ka, wag kang magalala. magpasalamat ka, dahil sa kanya may natutunan ka.
ReplyDeletekahit bigo ka, wag kang magalala. magpasalamat ka, dahil sa kanya may natutunan ka.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteKahit masakit ang nagawa nang nakaraan sa inyong dalawa wag nyong kakalimutang magpasalamat sa isat isa dahil pareho kayung may natutunan
ReplyDeleteWalang permanente sa mundo, lahat nagbabago kahit ang nararamdaman ng isang tao. Hindi dapat tayo umaasa sa mga pangako dahil hindi lahat ng pangako ay natutupad , ang iba ay napapako. Maraming natutunan at isa na dito ay sarili muna ang unahin at alagaan.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDelete"Pangako mong tayo'y walang hanggan, ay hindi mo nga napatunayan."
ReplyDeleteIyan ang mga linyang tumatak sa akin. Minsan talaga sa ating buhay mayroon tayong mga pangakong binibitawan sa mga tao na hindi natin natutupad. Minsan nangangako tayo dahil nadadala tayo sa ating mga emosyon mapasaya man ito o malungkot. Ngunit mayroong mga 'di inaasahang pangyayari na dumadating sa ating buhay na nagdudulot ng pagkapako o hindi pagtupad sa mga pangakong ito. Mas mabuti na na hindi mangako minsan dahil may mga umaasang tao. Maniwala sa mga gawa 'wag sa pangako.
Walang permanente sa ating mundo, puno ito ng pagbabago at sa tingin ko ay kung di mo kayang magbago ay maiiwanan ka ng panahon. Kaya sa buhay natin ay kelangan nating matutong sumabay sa agos at lumangoy naman kung kinakailangan
ReplyDeleteMay mga tao talaga na akala natin ay para sa atin na pala pero hindi pa pala. May mga taong mananatili at may mga taong lilisanin tayo. Ang mga taong ito ay parte kung paano natin haharapin ang hamon ng buhay. Sa mga turo at parangal nila sa atin. Kung paano nila naaapektuhan ang mga desiyon nati para sa ating sarili.
ReplyDeletemay mga bagay talagang di na dapat balikan dahil nga sabi nga nila masasaktan kalang pero bakit mo pa kasi babalikan bakit di ka na nya ba sasaktan para pwede mong balikan sa una nga ehh sinaktan kana,tapos babalik ka pa pass is pass nga daw tumingin ka daw sa hinaharap hindi yung nakaraan mo madaming masamang nangyari mga nasanay ka na kasama mo sya,sa mga iyak mong binawelaan lang nya sayo,sa mga kasalan nyang pinatatawad mo lagi-lagi,sa mga paasa nyang pangako sayo. May mga bagay kaseng panandalian kung nasa iyo ay pakaingatan. Matuto tayo na lahat ay permanente sa mundong ito
ReplyDeleteCHin Chin Santos
Deletehindi magiging basihan na kapag masaya ka ngayon eh yun na ang hanggang huli, marami talagang mga taong ummalis ng walang paalam. kaya tayo nsasaktan kasi nagmamahal tayo peo naniniwala ako na kapag may umaalis, may dumadating na mas bago at mas mabuti para sa atin - Aubrey Sarmiento
ReplyDeleteNangangahulugan lamang yan na hindi kayo ang para sa isa't isa ,parehas kayong nagmamahal pero mayroong MAS nagmamahal na hindi naman dapat,
ReplyDeleteAt kung lumisan man, ang bawat paalam ay nanganguhulugang may mas tamang nakalaan para sa iyo ngunit ang nakaraan ay hindi dapat kalimutan bagkus ay kapulutan ng aral para sa susunod na magmamahal ka,alam mo na ang dapat sa hindi
Masining ang pagkakagawa at makilitang namumutawi ang emosyon ng may akda sa bawat linya ng kanyang tula
Masasabi kong sadyang napaka mahiwaga talaga ng pag ibig. Oo dahil may mga bagay na alam Kong binibigay lang satin dahil kailangan natin matuto ng mga Aral na dapat nating matutunan. At oo minsan tayo ay nasasaktan sa kadahilanang tayo ay gumawa ng making desisyon pero nais ko sanang sabihin sa inyo na Huwag natin itong tingnan bilang problema at sa halip ay gawin natin itong Aral upang mas lalong umunlad pa ang ating sarili. Salamat
ReplyDeleteang pag-ibig ay parang isang ibon, bayaan mo siya kung gusto niyang umalis, babalik yun kung gusto niya. Pero kung hindi na,eh di hayaan mo na, baka mas masaya siya sa pugad ng iba. Huwag sana nating sayangin ang buhay para lang sa isang taong hindi tayo kayang pahalagahan o mahalin.
ReplyDeleteAng pag-ibig parang hangin di mo man sya nakikita atleast nararamdaman mo na andyan lang sya sa tabi-tabi. Pero para din syang bula na kusa nalang maglalaho at mawawala. Kung kayo, kayo talaga kung hindi edi hindi ayun lang yun wag mong hayaan na lasonin ka ng maling pag-ibig. Hindi hinahanap kung sino ang nais mo makasama sa saglit na panahon lamang dahil bahala na ang Diyos at bibigyan ka nya ng tunay at totoong magmamahal ng buong ikaw at pang-habang-buhay at makakasama sa hirap at saya ng iyong buhay.
ReplyDeleteSa buhay natin walang permanenteng lahat may katapusan ganyan talaga ang buhay minsan may mga bagay na di para sayo at may mga bagay din naman na para sayo kaya naman tangapin natin ang katotohan na ng ang lahat ng bagay ay hiram na lang. walang permanenten sa mundo dahil ang lahat ng ito ay may katapusan.
ReplyDelete