Lazada

Saturday, March 4, 2017

KAGANAPANG DI MALILIMUTAN Nel Azaña

KAGANAPANG DI MALILIMUTAN
Nel Azaña

 Nanay, tatay gusto ko tinapay lahat ng gusto ko ay susundin niyo ang magkamali ay pipingutin ko
Tumakbo, nagtago, humiyaw
Anong naganap?
Anong nangyari?
Wala akong makita
Ikaw! Alam mo ba?
Dinuro,pinunit, nilamutak
Huwag, Masama ito
Ayoko na, tama na
Di ko na kaya
Wag kang maingay
Maririnig nila
Haaaaaaaaah!
Bakit ako pa?
Takbo, takbo
Kahit saan ka magtungo
Wala ka nang takas
Sa kamay kung marahas
Hinagupit, Hinataw, binitin
Lasug lasug ang katawan
Kamay walang madantayan
Humahangos, nakahiga
At wala ng lakas
Haaaaaaaaah!
Walang magawa
Kusang nagpaubaya
Ang sakit di ko na kaya
Parang awa mo na
Itigil mo na to!
Manahimik ka!
Ang ingay mo!!
Ayaaaaaan na!
Haaaaaaaaah!!!!
Nanghihina, nakalatay
Luhang kusang umagos
Sa mukhang di makaraos
Nagtatangis, nanlalambot
Humiyaw ng malakas
Humahangos
Bumangon
Pinunasan ang luha
Ayoko, ayokong mangyari...
Nagpasalamat..

10 comments:

  1. Maganda pagkakagawa ng tula. Mahirap tanggapin para sa isang babae ang ganyang pangyayari. Maaalala niya ito hanggang sa kanyang pagtanda

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Minsan may mga bagay na hinding hindi mo makakalimutan dahil sa hindi inaasahang o kagulat gulat na mga ganap. Lalo na pag ikaw ay sinaktan ng lubusan o ng pisikal. Yan ay magiging alaala o matinding panaginip sayo.

    -DANIEL JOHN SANCHEZ

    ReplyDelete
  4. Grabe ang tukso ng mga tao ngayon sa kababaihan. Di mawaring bugso ng damdamin ang ipanapakita ng mga taong gagawin ang lahat mapunan lang ang kanilang pangangailangan. Nakakatakot at nakalulungkot isipin, bilang isang lalaking pinalaki sa punan ng aking nanay at ate ay mapupuna ko ang hinagpis niya. Ito'y isang malaking krimen, marahil ay makalulusot siya sa kamay ng batas, pero sa diyos ay pagdudusahan niya ang kasamaang kanyang ginawa.

    ReplyDelete
  5. isang pagpapasakit sa mga taong walang kakayahan na tumayo at lumaban, isang patunay lamang na hindi mamamayan ang masusunod bagkos ang may mga kapangyarihan .

    ReplyDelete
  6. May mga kaganapang hinding hindi mo malilimutan lalo na kapag ang kaganapang iyon ay hindi mo inaasahan at lubos na nakapanakit sayo. Bilang babae ito'y labis na nakakalungkot dahil ang pinakaiingat ingatan mo kukunin lang sayo ng walang pahintulot na may dahas. Nakakalungkot dahil hanggang sa pagtanda niya hindi na niya ito malilimutan, palaging nakatatak sa kaniyang isip ang mga pangyayaring ito.

    ReplyDelete
  7. sadyang nakakalungkot isipin ang mga ganitong pangyayari na kung saan ay walang kalaban-laban ang biktima. Mahirap mawala sa isipan ng biktima ang mga ganitong pangyayari na nauuwi sa trauma o matinding pagkatakot.

    ReplyDelete
  8. masakit sa damdamin na mangyari ito sa mga walang kalaban laban na biktima. hindi madaling mawala ang mga bagay na ngyare sa kaniya dahil ito ay tatak sa utak niya pag may mangyayareng mga bagay na ka gaya ng nasaad.

    Jose Franco Natividad

    ReplyDelete
  9. sa panahon ngayon, mas laganap na ang krimen, mapaloob o labas ng bahay. maging alisto sa lahat ng bagay para maging ligtas tayo sa mga may masasamang kamay

    ReplyDelete
  10. Iba na ang pnahon ngyun. Mapanganib at magulo. Mga kawawang babae ay pinaglalarun mga walang laban. Palaging nya itong maalala.

    ReplyDelete