Lazada

Saturday, March 4, 2017

NGITI Ni: Stephanie Caronongan Malinao

NGITI
Ni: Stephanie Caronongan Malinao

Ngiting kay tamis,
Akin nang namimiss.
Ngiting dati'y sa akin lamang iginagawad,
Di na masilayan kahit ilang beses pa humingi ng tawad.

Ngiting matagal nang ninanais makita,
Nasilayan nang siya at ikaw ay magkakilala.
Ang iyong mala-anghel na tawa,
Narinig ko nang muli pagkatapos ng matagal na pagngawa.

Nais kang hagkan,
Ngunit wala nang karapatan.
Nais kang lapitan,
Ngunit baka ako lamang ay iwasan.

Ngayo'y nakikita kong masaya ka na,
Mga mata'y ngumingiti kapag siya ang iyong kasama.
Mga mata ko'y akin nang ipipikit,
Kasabay ng pusong dinurog ng pait.

1 comment:

  1. Sa bawat ngiti ay may katumbas na kahulugan. Lalo na kung ito'y galing sa taong mahal mo. Nakagagaan ito ng loob, nakakawala ng pagod, stress at sakit. Ngunit masakit makita na ang taong iyong iniibig ay ngumingiti na sa iba. at lalo na ng dahil sa iba. ngunit wala ka ng magagawa doon kundi tanggapin ang katotohanang mas masaya siya sa iba. Kung talagang mahal mo ang isang ao, alam mo dapat kung saan siya tunay na masaya.

    ReplyDelete