REYALIDAD
ni Nel Azaña
Nakapiring ang mata ng katarungan
Nakabusal ang bibig ng katotohanan
Pilit na sinisiwalat ang kasinungalingan
Nagtataengang kawali ang kapayapaan
Naaapakan ang dignidad ng mamamayan
Nayuyurakan ang karapatan ng taong bayan
Sinasakal ang magsisiwalat ng kawalang hiyaan
Nilulumpo upang di makalakad ang kalayaan
Binibitin patiwarik ang katahimikan
Upang umibabaw sa huli ang kaguluhan.
Ikaw! Oo ikaw!
Kailan ka aaksyon?
Kailan susulusyonan
ang dagok sa lipunan?
Hanggang kailan mo babaliwalain
ang kaganapang ito sa atin?
Kailan bibigyang sagot
ang sakit at takot?
Sila! Oo sila!
Ang dahilan ng pagdurusa.
Sakit sa bansa na gawa nila,
Pagkagahaman sa pera
Dulot ay kasamaan sa bawat isa.
Tayo! Oo tayo!
Huwag magpaapekto
Sa kaguluhan dito,
Tuloy ang laban walang susuko hanggang sa dulo.
Masakit isipin na nayuyurakan ang sistema ng hustisya sa ating bansa at nakalulungkot din na ipinagsawawalang bahala na lang natin ang mga nangyayari sa lipunan.
ReplyDeleteMay mga panahon talaga na maaring isipin natin na tayo ay sinisiraan, yinuyurakan at tinatanggalan ng mga karapatan at pagkakataon sa buhay. Sa reyalidad ng ating buhay, doon natin malalaman ang tunay na buhay ng isang tao. Dun natin mararanasan ang hirap at saya sa bawat aspeto ng ating buhay.
ReplyDeleteDANIEL JOHN SANCHEZ
Kaya tayo hindi makaahon sa lalim ng ating nararamdaman dahilan sa kurapsyon na nangyayari sa atin. Hindi na naging tama ang pamamalakad dito sa ating bansa. Balwewala na ang mga taong mahihirap dahil pera ang habol ng mga namamahala! Kaya huwag tayo magpaapekto sa kanilang gingawa ipaglaban natin ang atin para maging matagumpay ang laban!
ReplyDeletecharles coronel
DeletePera! Akala nati'y pera ang magbibigay satin ngkaligayahan. Maraming naghihirap,nasasaktan, o di kaya'y namamatay dahil sa mga karangyaang naranasan,hindi maipaglaban ang katotohanan dahil lamang sa mga taong pilit na nagdidiyos-diyosan sa kagarapalang yumaman. Maraming nananatiling tikom ang bibig, takot ang kanilang suliranin. Hindi maipaglaban ang katarungan kaya minsan kaharap ay kamatayan. Hanggang ngayon dala-dala parin natin ang pagiging mahihina,iilan lang ang naririnig kong lumalaban. Kailan kaya tayo matuto? Kapag huli na ang lahat?
ReplyDeleteSa panahon ngayon talagang may mga taong sinasamba na ang pera kaysa sa poong maykapal. Masyadong nakatuon ang kanilang nga isipan sa pagpapayaman na hindi naman maisasama kapag sila ay sumakabilang buhay na. Bilang isang mamamayan. Dapat tayong gumawa ng paraan upang mapuksa ang ganitong sistema. Hindi dapat tayo matakot upang ipahayag ang ating hinaing upang gisingin ang iba pa nating mga kabaro upang magkaisa. Tayo ang boses ng bayan. Mararapat lang na gawin natin ang ating makakaya maliit man o sa malaking bagay.
ReplyDeleteNakalulungkot pero ito ang realidad ng ating buhay. Puro kahirapan ang palagian mo nalang nakikita sa labas ng iyong bahay. Di parin mawala-walang traffic, pollution, corruption, bisyo, droga, krimen at marami pang-iba ang patuloy na kinakaharap natin bilang mamamayan. Totoo nga ba ang mga pangako'y tuluyan lang na napapako? o baka dahil ginagamit lang nila ang kapangyarihihan para makapang-lamang sa kapwa?. Pero alam natin kung ano ang pinagkaiba ng imahinasyon sa realidad. Kaya't wag tayo umasa sa mga nakalalamang bagkus magsilbing inspirasyon satin ito upang matutuhang tumayo sa sarili nating mga yapak.
ReplyDeletemasakit isiping kung sino pa ang syang namumuno'y sya pa ang pasimuno ng kaguluhan at kahirapan, marami sa ating mga kababayan ang nagnanais na umasenso sa buhay at mairaos ang pamilya sa kahirapan . wala ng pakialam sa mga nangyayare sa gobyerno basta't mapakain lang ang pamilya . Sa ganitong sitwasyon ay nawawala ang pagkamamamayan ng isang tao, ng dahil sa kahirapan at sa mga kurakot na gobyerno, maraming mamamayan natin ang hindi na alam kung ano ba talagang halaga nila sa bansang ito . </3
ReplyDeletemayroon naman tayong magagawa ngunit kulang pa rin ito dahil nasa kamay pa rin ng gobyerno ang desisyon na magaganap. Tayo na lamang ay manalangin sa poong maykapal na sila ay baguhin sa kanilang mga maling gawain.
ReplyDeleteAyon sa akda, madami nang mga katotohanan ang hindi nasisiwalat sa mundo. Ito ay dahil sa mga taong patuloy na pinagtatakpan ang mga maling gawain ng ibang tao at mismong mga kasalanan nila. Madaming mga tao ang natatakot na isiwalat ang katotohanan sapagkat alam nilang maaaring ang buhay nila ang magiging kapalit sa oras na binuksan nila ang kanilang mga bibig at mata. Ito na ang realidad na ating ginagalawan ngayon. Mayroon mang mga taong nakain na ng takot ay mayroon paring mga taong patuloy na lumalaban sa mga maling kaganapan sa ating bansa. Ito ang gustong ipahiwatig ng akda na dapat simulan na nating buksan ang mga tenga’t mga mata at isugal ang ating buhay para sa bansa.
ReplyDeleteCoreen Jois M. Manay ng STEM 11-24
DeleteMasasalamin sa akdang ito ang realidad ng ating bansa. Bansa na natatapalan na ng pera at ng mga naghahari harian sa pulitika. Hindi na nakakamit ng tao ang nararapat sa kanya bagkus sya pa ang nagkakasala dahil hindi lumalabas ang katotohanan. Kapag nagpatuloy ang ganitong gawaiin ay hindi na talaga uunlad ang ating bansa at patuloy itong malulugmok sa kahirapan na ang magdudusa ay ang syang bumubuo sa isang bansa, ang kanyang mga mamamayan.
ReplyDeleteMARK DARRYL M. DELORIA
Nakalulungkot kung paano natatapalan ng kasinungalingan ang katotohanan. Kung paano nayuyurakan ng pera ang ating pagkatao. Pera na lamang ang nagdidikta kung ano ang ating dapat panigan, na hindi tama. Kung patuloy sa mga ganitong pangyayari ang bansa'y patuloy na maghihirap.
ReplyDeleteLaman ng akda ang mga pangyayari na hindi lingid sa kamalayan ng bawat isa satin; ang tumitinding karahasan sa bayan ni juan. Naging maganda ang pagpapahayag ng may akda ng mga nilalaman ng kanyang isipan, totoo ngang kung minsay ang ilan ay pinipiling magbulag bulagan sa mga kaganapan sa kapaligiran at sumunod nalang sa agos, tila napagod na sa suliraning kay tagal ng hindi mahanapan ng kasagutan. Nakatutuwa ang ganitong tema ng akda, ito'y makatutulong na makita ng mga nabubulagan ang reyalidad at tunay na kaganapan, magbibigay daan ito na mahikayat ang ilan na tumayo sa mga paa at tahakin ang taliwas na daan tungo sa pagbabago.
ReplyDeleteMakikita at masasalamin sa akdang ito ang realidad ng bansang pilipinas. Bulag tayo sa katotohanan at aminin man natin sa hindi, natatakot tayong umaksyon laban sa mapang aping lipunan. Dahil ano? Dahil sa lipunang ginagalawan natin ngayon, lahat ay natutumbasan ng pera. Kapayapaan at hustisya lang naman ang tangi nating hiling pero sobrang hirap nitong makamtan. Dahil ang dapat na nagtatanggol satin ay yun pa ang naglulubog sa atin. Hindi dapat tayo matakot at hayaan sila na patuloy itong ginagawa. Lumaban tayo hangga't hindi pa huli ang lahat.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteIto ang reyalidad, nakalulungkot isipin na ganito ang nangyayari sa ating lipunan, hindi nila alintana mga kaganapan sa ating bayan, kanila nang nakikita ngunit pilit paring tinatakpan ang mga problema sa ating bansa, mga gumagawa ng batas ngunit lumalabag ng wagas, kaya't sino pa ang makapagbabago? Kung hindi tayo, sino? Kung hindi ngayon, kailan? Kaya dapat sa ating na mismo magsimula sa pagbabago
Delete- Arcilla, Alliah Gayle B.
Madami ng problema ang kinakaharap ng ating bansa. Isa na rito ang walang hanggang korapsyon sa ating gobyerno. Tila bang wala na yatang solusyon dito kahit na sinong umupo na pangulo. Sakit na ng ating mga opisyal ang pagkagahaman sa pera. Ngunit kung titignan mo ang "brighter side", may pag-asa pa ang ating bansa. Kailangan lang natin humubog ng mga kabataan na siyang magdadala sa bansa pagdating ng panahon sa tamang daan. Kabataan na may takot sa Diyos, responsable, at may pakialam sa lipunan. At higit sa lahat, kung gusto natin ng pagbabago, kailangan simulan natin ito sa ating mga sarili.
ReplyDeleteDi maikakaila na ganito ang nangyayari sa atinv lipunan ngauon.Masakit man pero iyon anv totoo.Disiplina at pagiuing independe anv kailangan nating mamayan tingo at gabay sa aying pagbabago hindi lang sa sarili pati na rin sa ating bayan.
ReplyDeleteJELYN MARIE CASA
Ito ang reyalidad nq ating bansa na pinakikita anq mqa kawalangyaan na qnqwa dto SA mundonq kinaqaqalawan natin ! Nandto pinajumulat anq ating mqa qnqwa SA ating bayan
ReplyDeleteKyla R. Mendoza
DeleteKyla R. Mendoza
Deletemaraming problema ang bansa kaya dito ipiapahayag at ipinapaalam sa mga tao ang realidad ng buhay na puto na lamang kaguluhan, kung wala ni isa sa atin ang magbabalak na umaksyon, sigurado na walang magiging kapayapaan at pagbabago ang ating bansa.
ReplyDeleteJose Marcos Garcia
ReplyDeleteTula na nagsasaad na kung paano tayo nakapikit o paano natatakpan ang katotohanan. Tula na gaano tayo hindi kabukas ang mga isipan. Tula na angkop sa ating bansa, kung paano nagbubulagbulagan sa katotohana. Isang tula na pwedeng maging eye-opener sa bawat mambabasa.
Madaming problema sa ating bansa na di nasusulusyanan dahil ang mismong ugat nito ay ang matataas sa ating bansa. ito ang realidad ng ating bansa na kailangan nating tanggapin ito ang katotohanang dinatin mapag sisinungalingan dahil alam nanatin sa mga puso natin na ito ang totoo. itong tulang to ay maaraing gamitin para buksan ang isip at puso ng mga taong ignorante sa ating lipunan.
ReplyDeleteJose Franco Natividad
Makikita dito ang tunay na nangyayari sa lipunang tinatapakan ng mga Pilipino, ang buhay sa bansang Pilipinas. Buhat nang kagustuhang manatili sa pwesto at sa kapangyarihan, nananatili ang pagdidikta at pangongontrol ng mga nakatataas sa nasasakupan nito buhat nga ng kahirapang epekto rin ng korapsyon. Ito'y mga miyembro ng gobyernong dapat nagsisilbi sa mamamayan pero pinagsisilbihan ang sariling kagustuhan na nagreresulta sa kahirapan.
ReplyDeleteNgayon sa ating bayan ay Hindi na lamang sa mga bagay na natural nating ginagawa umiikot ang ating buhay dahil ang mga bagay na ito ay tuluyan nang kinukuha sa atin ng mga taong naka luklok sa kinauukulan at ang ating karapatan ay kinukuha ng mga walang hiyang Tao na yan. Oo maraming tayo nga ang sagot sa pag babago nito maibalik ang karapatan na nawala sa bawat isang Tao mga kagustuhan na kailangan Magawa ay bibigyan ng kalayaan Basta ang layunin ay Hindi masama. Marami sa atin ang nagpapa lamon sa basurang sistema kaya tayo ay tuluyang naloloko ng iba
ReplyDeleteMga kapatid ito na ang 'REYALIDAD' reyalidad na nangyayare sa ating lipunan. Buksan ang iyong puso't isipan upang makita kung ano na bang nangayayare sa iyong kapaligiran. Wag mong hayaan na bulagin ka sa kung ano ang katotohanan.
ReplyDelete