SALAWAHAN
ni Maj Punzalan
Andito ako,
Andito ako sa lugar kung saan iniwan mo ako,
Andito ako sa lugar kung saan unang pumatak ang luha ko ng dahil sayo,
Andito ako sa lugar kung saan kumirot ang puso ko dahil sa mga salita na nanggaling sayo,
Bakit ka nawala,
Bakit nawala tayong dalawa,
Bakit dati'y akin ka ngunit ngayon sa kanya kana,
Bakit iniwan mo akong nagiisa,
Akala ko ba ako lang ang prinsesa mo,
Akala ko ba ako lang ang iintayin mo sa simbahan na paroroonan ko,
Akala ko ba ako lang ang ipagtatanggol mo,
Akala ko lang pala lahat ng tumatak sa isip ko,
Bakit iniwan mo kami ni mama,
Bakit ipinagpalit mo kami sa iba,
Bakit hindi ka nakuntento sa aming dalawa,
Bakit mo kami hinayaang mawala,
Papa, masakit kasi iba na ang prinsesa mo,
Papa, napakadami kong hinanaing para sayo,
Papa, hindi ako masaya kapag wala ka sa tabi ko,
Papa, sunduin mo na prinsesa at reyna mo.
Sa tulang ito,madami talaga ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon. Yung mapagpapalit ka ng isang napakahalagang tao sayo sa iba. Hindi natin ito maiiwasan lalo na kung ang siya na mismo ang lumayo sa inyo at pinili makasama ang iba. Ngunit huwag magtanim ng sama ng loob sa iyong itay, siya pa rin ang magulang mo. Ipasadiyos na lamang ang kanyang mga nagawang mali.
ReplyDeleteBase na din sa aking karanasan, napakahirap lumaki ng walang ama. Oo inaamin ko nagtanim din ako ng napakadaming sakit at sama ng loob sa kanya, pero ano bang magagawa ko? Kahit anong mangyari siya pa din ang aking ama. Ang tanging magagawa ko na lang ay masing masaya kung nasaan man siya. Ang nag iisang tanong ko lang sa kanya, "Ama bakit mo ako pinagkaitan ng buong pamilya?"
ReplyDeleteALLIAH GAIL A. BAUTO
Ang hirap na makita at masaksihan mo ang lahat ng hindi magagandang pangyayari sa iyong buhay. Ngunit nasa iyo, at kailangan mo na gamitin ito upang makaahon sa paglugmok ng mundo sa iyong buhay. Kaya mo yan maj. Ang ganda ng tula mo.
ReplyDeleteHindi madali para sa isang paslit na lumaki na walang kinilalang ama pero mas masakit na nakilala mo siya at natutunan mo na siyang mahalin pero iiwan ka dahil mayroon na siyang iba.
ReplyDeletePara sa isang anak na babae, napakasakit na maiwan ng isang amang, siyang tagapagtanggol niya, siyang tumatayong tanging pag-asa nila ng kanyang ina, siyang tanglaw para sa kanilang pamilya, napakahirap talagang tanggapin na kung sino pa yung pinahahalagahan mo, iba na ang binibigyang atensyon.
ReplyDeleteJames Daen Maloles PUP:Stem 11-24
ReplyDeleteNapakasakit balikan ang hindi magagandang pagbabago sa buhay mo, bilang isang mambabasa masasabi ko na di lahat ng tao na nakilala mo ay sila pa rin hanggang dulo ang tatandaan ko lang walang permanente sa mundong ito kundi pagbabago.
hindi lahat ng mapapait na nakaraan ay dapat manatiling mapait lang bagkus gawin mo itong inspirasyon upang mas lalong lumago ang buhay mo bilang isang tao.
ReplyDeleteMasakit ang lokohin, iwan at ipagpalit ng taong minamahal at pinagkakatiwalaan natin lalo na kung ang taong ito ang isa sa mga kumukumpleto sa atin ang haligi ng tahanan, akala natin sila'y matibay na masasandalan natin ngunit maagang sumuko, mag iiwan ito sa naiwan ng mga katanungan at pighati ngunit dapat na matutunan natin na unawain, mag patawad ng maaga at pahalagahan sila habang makakasama pa natin sila.
ReplyDeleteMahirap maranasan anq maqinq isanq Mundo Ng ating minamahal ngunit di dto naqtatapos anq buhay ntn . Marme panq paqsubok na ddtinq kaysa manatili knq luqmok SA nkaraan na gsto ntnq makamtan ulit ntn .
ReplyDeleteKyla Mendoza
Ramdam ko ang mensahe ng akda sapagkat ako rin mismo ay kinakaharap ang ganyang suliranin sa pamilya
ReplyDeleteMahusay ang pagkakagawa,puno ng emosyon nakaisa ka!
damang dama ko ang bawat mga salita na aking nabasa nakakalungkot kung iisipin at babalikan ang ating masasayang alalaala kasama ang ating pamilya o iba pang mahal sa buhay.
ReplyDeletepara sa isang anak na iniwan ng isang ama dahil sa may iba na siyang kinakasama, masakit dahil nasira ang isnag pamilya. Naiintindihan ko kung mayroon na siyang iba pero mas mahalaga ang isang pamilya, lalo na't ang magasawa ay may ibinunga. :(
ReplyDeleteKatotohanang nangyayari sa isang lipunang gaya ng Pinas. Marahil nagpapakita ito kung ano ang mga epekto ng pagkakaroon ng hiwalay na pamilya o maaaring dalawa ang pamilya. Dalawa man o isa'y marapat pa rin sigurong bigyang tuon ang responsibilidad na inilapat no'ng sandaling nagkasumpaan.
ReplyDelete