KUNG IKA’Y SAWI
Patrick Helera
Kung ika’y sawi,
mag-laan ng oras sa ‘yong sarili.
Ika’y tumabi at magmuni-muni.
Huwag na munang pakinggan ang ingay ng buhay.
Sa halip, ika’y manahimik muna
at piliing mag-isa.
Kung ika’y sawi,
mag-laan ng oras sa ‘yong sarili.
Isipin kung saan nagkamali
ngunit huwag ibato lahat ng sisi
sa iyong sarili dahil oo,
may mali ka at higit sa lahat,
may mali rin siya.
Kung ika’y sawi,
mag-laan ng oras sa ‘yong sarili.
Muling hanapin ang dating ikaw
na may ngiti sa labi,
na may kislap sa mga mata,
at may galak puso.
Tandaan na kaya mo itong hanapin
kahit na ika’y mag-isa
dahil higit mong kilala
ang iyong sarili
kaysa sa iba.
Kung ika’y sawi,
mag-laan ng oras sa ‘yong sarili.
Subukan mong sumulat
Ng tula o talata.
Maaari ka ring gumawa ng kahit anong obra
upang mailabas ang saloobin.
Tandaan na maaaring gamiting sandata
ang papel at panulat
upang sugat ay maghilom.
Kung ika’y sawi,
Mag-laan ng oras sa ‘yong sarilli.
Huwag nang isipin ang nangyari
dahil patuloy mo lamang dinaragdagan
ang bubog sa ‘yong puso.
Kaya kalimutan na ang dati
Upang mapalaya ang sarili.
Natuwa ako nung nabasa ko 'to. Kasi totoo naman na nakakagaan ng loob ang pagsusulat. Minsan kasi hindi mo naman talaga kailangan ng mga atong makikinig sayo. Ang kailangan mo lang talaga ay ang mailabas lahat ng hinanakit mo.
ReplyDeleteALLIAH GAIL A. BAUTO
Mahalin mo muna ang iyong sarili. Hindi mo dapat hilingin na mahalin ka ng iba. Matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa. Maglaan ng oras para sa sarili at gawin ang mga hilig at gusto mo. Paniguradong magiiwan ito ng marka, ngunit eto ay isang patunay na nalagpasan mo ito.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDelete'Maglaan ng oras sa iyong sarili' isa sa pinaka magandang linyang nakita ko sa kabuuan ng tula. Pinapakita sa tula na kung mamahalin mo ng buo ang sarili mo ay mas sasaya ka. Kung bibigyan mo ang sarili mo ng higit na atensyon ay magagawa mong maging malaya sa kung ano man ang pinagdadaanan mo. Sa pagbibigay mo ng panahon sa sarili mo ay mas mahahanap mo ang kung ano talaga yung mga bagay na makapagsasaya sayo, at mas mahahanap mo yung kung anong bubuo sa pagkatao mo.
ReplyDeleteAng akdang ito ay nagpapakita kung ano ang maaaring gawin ng mga taong nakakaranas ng pagiging sawi sa pag-ibig. Ang masaktan sa isang pagmamahal ay parang sugat na matagal kung humilom. Walang gamot na maaring lumunas nito kung hindi ang iyong sarili lamang. Panahon ang kinakailangan upang maghilom ang mga sugat na dala ng mga kahapon. Sabi nga sa akda, bigyang oras ang sarili . Maghanap ng mga bagay na mapaglilibangan upang hindi maisip ang mga nangyayari. Natutunan ko sa akdang ito na hindi dapat lagi kang sawi at palaging magmumukmok na lamang sa gilid. Kapag magaling na ang iyong mga sugat, bumangon at harapin na ang hinaharap.
ReplyDeleteTotoo anq snsbi SA akda . Masaya anq maqinq maqisa kunq may dalang pagkain talaga! Pero seryoso msaya Lalu na kunq Ito anq paraan kunq paano ka makakapaqisp kunq Tama ba o Mali . Dito nakikita kunq ano ba tlqa anq qqwin ..
ReplyDeleteKyla Mendoza
Sang-ayon ako sayo kapatid! Kung nasaktan man tayo sa pag-ibig, wag nating kalimutan na mayroon pa ding nagmamahal sa iyo. Huwag ibuhos abg pagmamahal sa isang babae hindi kaya tumbasan ito.
ReplyDeleteAng ganda ng minsahe ng akdang ito. Ang pagiging sawi ay hindi dahilan ng pagiging mahina sa halip gawin itong inspirasyon at sandata upang bumangon muli. Walang ibinigay ang Diyos na hindi natin kayang harapin kung nasaktan ka ngayon sige iiyak mo pero pagnapagod ka na ngumiti ka, bumangon at ipakita mong kaya mo. Nakaya nga niya, makakaya mo rin 😊
ReplyDeleteIto ang katotohanan, wala kang makakapitan kundi ang sarili mo lang. Maging matatag sa mga pagsubok na nadaraanan at maging malakas. Malalampasan rin naman ang mga problemang ito kaya maging matatag at kumapit sa iyong sarili
ReplyDeleteganyan talaga ang buhay kaya masanay dapat tayo na nagiisa masaktan man tayo ng iba dapat ay manatili tayong matatag at malakas. lalo na kung may paniniwala tayo sa panginoon tayo ay kanyang tuutlungan upang malagpasan ang ating problema
ReplyDeletenatutuwa ako sa awtor sapagkat mayroon syang positibong pananaw. tama nga naman na kung ikaw ay sawi ay wag masyadong damdamin ito. alam kong masakit pero kailangan mong kalimutan ang mga bagay na nakapag pasakit sayo para magkaroon ng pagbabago. natutuwa siguro ang mga sawi kapag nabasa ito na hindi dapat nagsasayang ng oras para maglugmok.
ReplyDeleteNasawi man tayo okay lang yan isipin mo nalang parte yan ng buhay mo upang turuan ka maging matatag sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay na kailangan mong lagpasan.Tuturuan kang maging matibay. Nasaktan man tayo may dadating padin na para sayo tunay na magmamahal.
ReplyDelete