Lazada

Saturday, March 4, 2017

Paglisan ni Euvi Jane Tubac

Paglisan
ni Euvi Jane Tubac

Wala ng mas sasakit pa
Sa pagtalikod mo sinta
Pangako mo'y nasan na kaya
Imahinasyon na lang pala

Akala ko ba di mawawala
Akala ko di iiwang mag-isa
Ngunit nagkamali pala
Palasyo nati'y gumuho't nagiba

Ika'y aking lilimutin na
Ngunit saan ba magsisimula
Paano ba 'to magagawa
Kung sa puso ko'y di ka mawala-wala.

Mga alaala ng ating pagsasama
Hanggang kailan panghahawakan?
Mga pangako mong tinuran
Mayroon nga bang katuparan

3 comments:

  1. Masakit talagang maiwan. Lalo na't kung ito'y iyong minamahal ng lubusan. Naranasan na yan ng mga taong umiibig. Sa umpisa'y masakit, nakakapanghina at iba. ngunit sa huli, kailangan mo itong tanggapin. tanggapin na wala ng kayo at mag move forward ka nalang.

    ReplyDelete
  2. Wala na sigurong mas sasakit pa kapag iniwan tayo ng mga mahal natin sa buhay, mapa-gf/bf man yan, kapatid, magulang, kaibigan, atbp. Ang tanging masasabi ko lang ay kailangan nating pahalagahan ang mga tao na nagpapasaya sa atin, yung mga taong importante sa ating buhay. Iparamdam natin sa kanila na mahal natin sila habang nandyan pa sila dahil kapag sila'y lumisan, dun mo malalaman ang tunay na sakit ng mawalan.

    ReplyDelete
  3. Ito'y nagpapaalala sakin sa isang taong siya pa mismo ang nagsabing wag ko siyang iiwan ngunit sa huli siya rin pala ang gagawa ngunit ang buhay ay sadyang ganyan kailangan natin tumayo sa sarili nating mga paa.

    ReplyDelete