Lazada

Saturday, March 4, 2017

Sa iyong Piling - Coreen Jois M. Manay

Sa iyong Piling
- Coreen Jois M. Manay

Isang maliit na ibon sa putik nagsimula
Sa maliliit na pakpak walang napapala
Patuloy nalang na inaasam ang mga tala
Ngunit ito'y isang parte nalang ng alaala

Ginawa ang lahat marating ang kinaroroonan
Dugo't pawis ang aking mga nilaan
Kahit ilang beses mang masugatan
Patuloy sa paglipad patungo sa kinabukasan

Kahit ano mang bagyo ang dumaan
Lakas loob ko itong hinaharap
Matapos ang mga tiniis na paghihirap
Sa wakas naabot na din ang inaasam

Ngunit ako'y naging mayabang at makasarili
At sila'y isa-isang umalis sa aking tabi
Ang aking puso ay napuno ng pagsisi
Sa malungkot na paglalakbay na aking napili

Ngunit patuloy parin ang matayog na lipad
Umaasa ang tadhana ay matatagpuan
Sa malawak na himpapawid na tinatahak
Sana'y matagpuan at makalipad sa iyong piling

1 comment:

  1. Marami tayong pangarap sa buhay na gustung gusto nating atupad ngunit bakit hindi natutupad? iyon ay dahil sa ating pagiging makasarili at hindi isinaalang alang ang para din sa iba :( Kahit na gaano kalayo at kabigat ang ginawa at pinagdaanan natin kung ang dedikasyon ay pansarili lamang , mayroonng patutunguhan ngunit ang kalooban ng iba ay malayo sa'yo at ang mga pinaghirapan mo rin ay walang kuwenta. Mas mahala ang pakikitungo kaysa ang sariling pangarap. Mas masarap mangarap kung hindi lamang ito para sa sarili.

    ReplyDelete