ni Michael Bermundo
May dalawang taong parehas na pinanganak na mahirap at nakatira sa simpleng tahanan at kumakain ng isang kahig isang tuka pero maymagkaibang pananaw sa buhay. Ang isa ay naniniwala na para makuha ang isang bagay na iyong inaasam ay kailangan mong magsumikap at paghirapan ito dahil alam niya na tayo mismo ang magdidikta sa ating mga kapalaran dahil nakabase ang mga mangyayari sa mga ginagawa natin at walang mangyayari kung wala kang gagawin upang makamit ang mga ninanais mo. At ayon sa kanya ay marami siyang kakilala na nagtagumpay sa buhay dahil sa pagsusumikap at may mga bagay narin siyang nakamit dahil sa kanyang pagsusumikap kaya naniniwala siyang pagsusumikap ang susi sa tagumpay. Samantala, ang isa naman ay naniniwala na ang kapalaran natin ay nakadepende sa suwerteng darating sa ating buhay at hindi kinakailangang magsumikap upang magtagumpay dahil kung swerte ka ay magiging matagumpay ka. Kaya inaasa niya sa suwerte ang buhay niya dahil ayon sa kanya ay matagal na raw siyang naniniwala sa suwerte at maraming suwerte na ang nangyari sa kanya kaya bakit hindi pa siya maniniwala dito.
Sa paglipas ng mga araw, sinubok ng panahon ang pagsusumikap at suwerte na tagalay nilang dalawa.
Ang isa na naniniwala sa suwerte ay tulad ng dati ay nakatira parin sa simpleng tahanan at kumakain ng isang kahig isang tuka pero minsan ay di sila nakakakain sa isang araw. At hindi niya nabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Samantalang ang isa na nagsumikap upang makamit ang kanyang inaasam ay nakatira sa isang malaking mansyon na may maraming kotse at may swimming pool pa. Nakakakain sila ng maraming beses sa isang araw ng kanyang pamilya at naibibigay niya ang pangangailangan ng mga ito sa araw-araw.
Kaya ikaw, ano ang aasahan mo?
Hindi naman masama ng maniwala sa swerte. Hindi naman masama ng maniwalang magtatagumpay ka sa pinaka hindi inaasahang pagkakataon, hindi ba? Totoo ngang ang iyong pananaw sa buhay ang magdidikta sa kung paano mo kahaharapin ang pagsubok sa buhay. At kung hindi natin nlagpasan ang pagsubok, hindi ba mayroon tayong aral na nakukuha mula dito? Siguro ay hindi lang ito napagtanto ng pangalawang tao ng mas maaga kaya hindi naging maganda ang kinahinatnan. Aaminin ko na naniniwala rin ako sa swerte. Ngunit hindi yun ang bumubuo sa aking pananaw sa buhay. Kailangan alam mo pa rin ang ibalanse ang lahat. Paano kung sa sobrang sipag at tiyaga mo ay hindi mo na mabantayan ang kalusugan? Paano kung sa sobrang katamaran ay wala ka nang nagawang magpapaganda sa iyong kinabukasan? Ayun ay ayon lamang sa aking opinion.
ReplyDeleteAng akda ay nagpapahiwatig na tayo mismo ang mag didikta ng magiging kapalaran natin sa hinaharap kaya kailangan nating kumilos upang mangyari ang mga nais natin na mangyari. pwede naman na umasa tayo sa suwerte pero huwag naman dadating sa punto na wala na hindi na tayo kikilos at iaasa nalang natin ang lahat sa suwerte
ReplyDeleteLahat tayo ay may iba't ibang pinaniniwalaan depende sa atin kung aasa na lang tayo sa swerte o kaya paghihirapan natin para guminhawa ang ating buhay. Dapat huwag tayong umasa sa swerte lang dapat natin itong paghirapan para may magandang buhay tayo.
ReplyDeleteNakalulungkot isipin na may mga taong naniniwala lamang sa swerte at hindi nagsusumikap sa buhay. Sa aking paniniwala, lahat tayo ay may sari-sariling tadhana, at nakadepende na lamang ito sa ating mga gagawin kung tayo ay magtatagumpay sa buhay o hindi. Naniniwala akong lahat ng pinagsisikapan ay sinusuklian ng Diyos ng karapat dapat na bagay.
ReplyDeleteParehang nagsimula sa wala, parehang buhay na kinamulatan pero magkaibang tao, magkaibang pananaw. Kung ano man ang mararating natin sa buhay ay nakadepende parin sa kung anong klaseng hakbang ang gawin natin para abutin ang mga pangarap natin. Hindi masamang maniwala sa suwerte ngunit dapat may kasamang aksiyon.
ReplyDeleteMay iba-iba tayong pananaw at may karapatan tayong pumili ng ating paniniwalaan. Ngunit kung may ninanais tayong maabot at mapagtagumpayan ay nakasalalay na mismo sa ating gagawin ang ating magiging kapalaran. Walang masama sa paniniwala sa swerte, subalit kadalasan ay hindi sapat ang swerte lang upang guminhawa ang buhay.
ReplyDeleteMaaaring may katotohanan ang sinasabi ng may akda na walang patutunguhan ang isang taong naniniwala lamang sa swerte at nakadepende na ang buhay niya sa ganoong paniniwala. Pede rin naman nating sabihing masipag ka at pursigido kang magtrabaho sabi nga nila "kapag may tiyaga may nilaga" pero paano kung ang mga nabili mong sangkap ng nilaga ay lanta na at mabaho na ang amoy ng karne sa kadahilanang tinanghali ka na upang mamalengke. Anong gagawin mo sa nasayang na pera at anong kakainin niyo sa mga susunod na oras. Sa usapin naman ng pagiging swerte maaari ko itong iugnay sa kasabihang "daig ng maagap ang masipag" sinuwerte ka sa pagpapatubo ng inyong pananim at nakaani ka ng maayos na hindi man lang nadaanan ng malakas na bagyo ang inyong taniman, nung oras na ng ani ay nagulat ka sa hatiang nangyari, kalahati nito ay napunta sa mga magsasakang inutusan mo, at dagdag pa ang mga tagahatid ng produkto, di pa kasama ang mga buwis at mga produktong hindi tinanggap ang kalidad. Ano ang matitira para sayo at sayong pamilya? sa aking palagay importante ang tamang pagpaplano para sa kinabukasan, iwasan ang padalus-dalos na paglusong sa pagsubok at dapat hindi naguubos ng lakas sa mga bagay na walang kasiguraduhan ang pag asenso.
ReplyDeleteNasa tao mismo nakadepende kung ano ang magiging kapalaran niya sa buhay. Ang mga pagsubok na ating kinakaharap sa bawat araw ay isa lamang mga pagsubok sa atin ng panginoon, sa pamamagitan ng pagbibigay niya sa atin ng pagsubok doon niya makikita kung gaano katatag, bakabase ito sa mga paraang ginagamit natin sa upang masolusyunan ang bawat suliraning kanyang inihain. Sang-ayon ako sa may akda dahil walang permanente sa mundo kundi ang pagbabago, kung masaya ka ngayon maaring may kaakibat itong lungkot kaya maaring ang swerteng iyong pinaniniwalaan ay matatapos din kung wala kang gagawing kahit ano man maaaring ito ang magbigay ng kamalasan sa iyong buhay. š
ReplyDelete