SAWI
ni Nel Azaña
Katotohanang kinukubli
Kasinungalingang sinasabi
Katahimikan siya'y nagwagi
Pag-iibigang tinali
Pagsuko ay mabilis na nangyari
Pagkatakot ay namutawi
Pagsisisi ay naganap sa huli.
Lungkot ay makikita
Sa matang lumuluha
Nagtatanong "bakit kaya?"
Puso ay nangungulila
Sa pagmamahal na dakila
Hinahanap-hanap ang pagkalinga
Sa miserable niyang diwa.
Pighati ay hagkan-hagkan
Luha ay tuluyan
Sakit ay nariyan
Sa bisig niyang lulan.
May mga taong kapag umiibig ay wagas lahat ay ginagawa at binibigay para sa kanilang sinisinta o nililigawan mapasagot mo lamang, ngunit bakit kapag tinanggihan ka ng iyong nililigawan sobra kang nasasaktan. Masakit talagang matanggihan ka ng iyong sinisinta ang mundo mo'y bigla na lang titigil dahil sa pangyayari at mga luha mo'y patuloy na umaagos dahil sa pagtanggi sa iyong nararamdaman masakit talaga ang katotohanan na hindi ka mahal ng iyong nagustuhan.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteMinsan talaga nagagawa mo nalang na magsinungaleng para kunyare hindi masaket yung lalagyan mo nalang ng " hahahaha " para kunyare masaya ka pero hindi naman dahil nasaktan ka ng isang beses ay lagi nang ganon ang mangyayari maghintay ka lamang dadating din yan
ReplyDeleteMay mga bagay talaga na ikakalungkot natin, pero palagi nating tandaan na sa bawat lungkot na ating mararamdaman ay mapapalitan ito ng saya at kakaibang pakiramdam hindi lamang sa ating sarili kundi sa iba din. Palagi mong tatandaan na lahat ay may dahilan kung bakit nangyayare ang mga ito.
ReplyDeleteDANIEL JOHN SANCHEZ
Hindi talaga natin maiiwasang masawi sa buhay natin. Pero lagi nating isipin na ang Diyos ay laging pumapatnubay satin. Hinahayaan Niyang maranasan natin ang mga bagay na ito upang sa susunod ay mas matibay pa tayo. Mayroon Siyang inilaan na katuwang natin, at sa kabila ng kasawian natin ay darating ang tamang panahon na ipagkaloob Niya naman ang kagalakan sa puso natin.
ReplyDeletehindi rin nawawala ang kalungkutan di lang saating sarili pati narin sa lahat ng tao. Pero sa bawat kalungkutan na nangyayari sa atin tiyak na malulutasan natin ito dahil mapapalitan ito na kasiyahan na di mo malilimutan. Kasi lahat ng bagay na nangyayari sa atin ay may dahilan.
ReplyDeleteDi mawaring kalungkutan ang namumugto sa mga mata
ReplyDeleteNg mga taong sawi sa pag-ibig o kaya'y pamilya
Mga taong nilulunod ng pighati
Sa matang kahit anong oras ay tutulo ng mahapdi
Ang pagiging malungkot ay sanhi ng 'di pagiging masaya
Kung itutuon mo ang sarili mo sa ibang bagay,
Na makakatalo sa emosyon mong naglalaban sa tukso
Makikita mo ang liwanag at magpapaligaya sayo ito.
Mga luhang pilit na ikinukubli sapagkat takot na ilabas,
ReplyDeletemga damdaming sawi na walang mapagsidlan .
hanggang kailan at hanggang saan ?
hanggang kailan ka magkukubli at hanggang saan mo kakayanin .
Masakit masawi ang hirap ikubli sa maliit na espasyo ng isipan ang katotohanan kaya minsan itoy akin na lamang sinusulat. parte na ng ating buhay ang kalungkutan dahil di natin alam ang tunay na kasiyahan kung saan nga ba ito pwedeng makamtam kaya tayo nasasawi dahil patuloy tayo sa paghahanap. Ngunit wag susuko ang pagiging sawi ay tanda ng pagkilos
ReplyDeletekatotohanang kinukubli, kasinungalingang sinasabi. Mga taong pinagtagpo, nagmahalan ngunit hindi itinadhana.. Walang ibang magawa kundi ang tanggapin na lamang ang lahat at ipagpatuloy ang buhay na pinipilit mabuhay.
ReplyDeleteKapag nagmahal tayo ay kakabit na nyan ang salitang "Sakit" dahil kapag nagmahal tayo hindi naman pwede na puro lang saya, tuwa at kasiyahan, may kakabit din itong sawi, pighati at kalungkutan. Masakit man ang katotohanang ito ay kailangan tanggapin na kapag iniwan tayo ng mahal natin ay kailangang tanggapin at isa itong senyales na hindi siya ang para sayo. Ngunit sa kabila ng ganitong mga pangyayari ay kailangan pa din nating tumayo mula sa pagkakadapa at ipagpatuloy ang ating buhay.
ReplyDeleteMARK DARRYL M. DELORIA
Normal lang sa magkasintahan ang sakit at pagsisi di natin mawawari ang tunay na pagmamahalan kung walang hirap at sakit ang dinadanas. Tunay na makabuluhan ang pag-ibig kahit hindi mo sinasadiya mangyayari pa rin ito kahit pilit mong inaayos ang lahat paulit-ulit itong mangyayari at sahuli rin makikita ang lahat
ReplyDeleteKumukurot sa puso bawat katagang isinasabit ng literarong ito. Pagmamahal na sa akin ay nagsasalamin ng Isang batang nangungulila mula sa pagmamahal ng kanyang ina. Pagiging kulang, makungkot ang mamumutawi sayo kung itoy naranasan mo. Tulad ko na lumaki ng wala sa yabi ng magulang, itoy bahagyang naglalahad ng aking nararamdamang pangungulila sa kanila. Salamat at mayroong ganitong tula.
ReplyDeleteJELYN MARIE CASA
Sa pagmamahalan hindi mo maiiwasang masaktan dahil kaakibat ng pagmamahal ay ang sakit na iyong mararanasan. Kasawian ang isa sa pinakamasakit na iyong mararamdaman pero sana sa sakit na ito hindi tayo sumuko at halip gawin itong inspirasyon upang tayo ay makabangon.
ReplyDeletePara sakin ay madali pa talagang pumeke ng ngiti kesa sabihin kung bakit ka malungkot. Madaling magkubli ng sakit na nararamdaman kung ang nasa harap nila ay isang napakalaking ngiti. Pero sa huli ay malalaman parin ng iba ang tunay mong nadarama dahil wala namang sikretong di nabubunyag
ReplyDeleteDumarating talaga minsan na yung pagmamahal na binibigay mo, hindi niya pala kaya tumbasan kaya humahantong sa pagkasawi..
ReplyDeleteMasining ang pagkakagawa, maikli lamang ang mga linya subalit malaman at may pinanghuhugutan
Hindi natin maiiwasan masaktan at madurog ang ating napaka lambot na puso. nakahit anong gawin mo ay di parin ito matutumbasan para ika'y magustuhan niya kaya kailangan nating tanggapin na hindi lahat ng nandyan ay para sa atin.
ReplyDeleteJose Franco Natividad
madaming taong ang nagmamahal pero madaming rin ang nasasaktan peron ganun talaga ang buhay sa pagibig hindi natin maiiwasanang masaktan at maiiwan ng minamahal sa pagmamahahal masasaktan at masasakatan ka kaya dapat maging handa tayo kapag tayo ay nagmamahal kailangan natin magpakatatag kapag tayo ay nagmamahal.
ReplyDeleteSa pagmamahal mayroon talagang kailangan isakripisyo ang bawat isa. Kailangan natin itago ang nararamdaman at huwag nang ipaalam pa nang sa gayon ay Hindi na lumaki pa ang problema . Kahit puso'y lubos na masaktan ay titiisin para lamang ang isa ay maging masaya . Kaya kailangan natin maging matatag pag dating sa pag ibig
ReplyDeletesa salitang PAgmamahal may mga bagay na kailanagan mong isakripisyo. Kapag nagmahala panigurado masasaktan ka. Kung maghiwalay man ay hindi pa kayo para s aisat isa. Pinagtagpo pero hinddi itinadhana
ReplyDeleteCHIn chin Santos
Sa Pagmamahal hindi puro puso lagi ang pinapairal kapag pinabayaan mo ito masasaktan kalang sa badang huli dahil sa lumipas na panahon unti-unti nawawala ang pagmamahal kapag itoy nangyari doon na magsisimula ang pagpag-aaway at mauuwi ito sa hiwalayan.
ReplyDeleteJhon Fredd Orate
Sa pagnamahal mo sa isang tao wag ka ng umasa na hindi ka masasaktan dapat handa ka sa kung ano man ang mangyayare. Bago ka pumasok sa isang bagay alamin mo muna ang mga posibilidad na mangayayare dahil pag nandyan na yan wala ka ng magagawa kundi tanggapin na lamang. WAG MONG GAWING MUNDO ANG DAPAT AY TAO LANG.
ReplyDelete