Lazada

Saturday, March 4, 2017

KAGUSTUHAN ni Nel Azaña

KAGUSTUHAN
ni Nel Azaña

Pag-aaral ay susi sa tagumpay
Dito nakasalalay
Ang kinabukasang may latay
Dahil sa kahirapan sa buhay.

Namimiligrong maabot ang pangarap
Dahil sa mga nagaganap
At pasakit na paghihirap
Gutom na kinakaharap.

Sana'y may pag-asa pang magbago
Mga nagaganap dito sa mundo
Upang makuha ang mga gusto
Nang bawat Pilipino.

12 comments:

  1. totoo naman na ang susi sa pag aaral ay ang tagumpay, kailangan pag sikapan at paghirapan ang mga araw at gabi sa pag aaral kahit na pagod kana wag kang susuko dahil pang habang buhay ay makakasama mo ito.

    ReplyDelete
  2. Tanging susi sa kahirapan ay ang pag-aaral.Ang lahat ay dapat pagsumikapan. Kahit na ramdam mo na ang unti-unting pagsuko dahil na rin sa kahirapang nararanasan, huwag paring isusuko ang pag-aaral sapagkat kahit ano pa man ang mangyari ay tanging edukasyon ang mag-aangat sa kahirapan.

    ReplyDelete
  3. Kaya sinasabi ng magulang natin na masaya na sila makapagtapos ka ng pag-aaral sa likod ng mga hirap nila dahil ang pag-aaral ang maaaring makapag-ahon sa iyo sa kahirapan. At mas magtatagumpay ka kung sinamahan mo ito ng sipag at tiyaga.

    ReplyDelete
  4. Pagaaral ay susi sa tagumpay. mga katagang laging binabanggit sa atin ng ating mga magulang.. kaya't pagaaral ay paghuyasan at huwag sayangin dahil ito na lamang ang tanging pinaka magandang maipapamana sa atin ng ating mga magulang sapagkat ito ay hindi mauubos o mawawala..

    ReplyDelete
  5. Ang edukasyon ang isa sa pinakaimportanteng makamtan ng lahat. Ito ang siyang magsisilbing susi upang maabot natin ang ating mga pangarap. Ngunit nakalulimgkot isipin na marami pa rin ang hindi nakakapag-aral. Mas pinipili kasi nila munang magkalaman ang kanilang mga tiyan. Iniisip nila na mas magiging practical sila kung ihuhuli ang pag-aaral. Hindi ko masasabing sila ay nagkakamali. Maaring wala kasi silang iba pang pagpipilian. Siguro ang iba ay sasabihing kung gusto talaga nila mag-aral, madami namang paraan. Ngunit isa lang ang aking masasabi sa kanila. Hindi tayo sigurado sa tunay nilang pinagdadaanan. Hindi natin maiintindihan ang kanilang hinagpis dahil maski tayo ay maaaring hindi pa ito nararanasan. Kaya kung tayo ay may pagkakataong makapag-aral, huwag natin iyong sayangin. Maging isang matalinong mamamayan tayo ano pa man ang mangyari. At makiisa sa pagtupad sa adhikain ng bansa.

    ReplyDelete
  6. Tunay ngang edukasyon ang ating susi sa tagumpay. Bilang isang mag-aaral, ito ang ating nararapat na bigyang-pansin at bigyang halaga. Ito ang ating alas tungo sa kinabukasan. Ito ang mag-aahon satin sa kahirapan ng hinaharap. Bilang kabayaran narin sa lahat ng pagsusumikap ng ating mga magulang na nagsasakripisyo mabigyan lamang tayo ng pangmatrikula sa ating paaralan. Nawa’y pagbutihin natin ito, ito lamang naman ang kaya nating gawin hanggang sa nasa eskwelahan pa lamang tayo, ang mag-aral ng mabuti para sa ating kapakanan at kinabukasan.

    ReplyDelete
  7. "Di lahat ng Kagustuhan ay Kailangan" tandaan natin na mas mahalaga ang mga bagay na kailangan kaysa sa pansariling kagustuhan. Ang pag-aral ang siyang susi ng tagumpay, sa buhay kabataan napakarami ang naghahangad ng iba't ibang bagay ngunit ating tatandaan na may takdang panahon para sa mga ganitong kagustuhan.

    ReplyDelete
  8. maraming batang gustong makapag aral ngunit walang pantustos sa eskwelahan. Ngunit minsan hindi hadlang ang kasalatan. kung gusto mo magagawa mo. Lahat ng bagay na pinaghihirapan ay sa huli'y tiyak na mag katumbas.

    ReplyDelete
  9. Edukasyon ang maghahatid sa atin sa tagumpay samahan pa ng sipag at tiyaga. Hindi lang tayo ang naghihirap sa pagkamit ng ating pangarap dahil laging nandiyan ang ating mga magulang para gumabay sa atin. Maaaring nahihirapan tayo sa ngayon ngunit darating ang panahon na maaani natin ang bunga ng ating paghihirap

    ReplyDelete
  10. Tanging edukasyon lamang ang maaaring makapagtawid sa atin patungo sa maayos na buhay, ngunit ito'y sadyang napakahirap maabot. Sa aking pananaw, ito ang nais iparating ng may-akda. Kung ang isang estudyante ay masipag at may tigayang mag-aral, tiyak na siya'y dadalhin sa rurok ng tagumpay ng kanyang mga paa. Marahil nga'y tayong mga estudyante ay nahihirapan sa ating kalagayan nagyon, ngunit darating ang panahon na tayo'y makahihinga ng maluwang dahil tayo'y nasa rurok na ng ating tagumpay.

    ReplyDelete
  11. Ang akdang ito ay nagpakita kung ano nga ba ang totoong nangyayari sa ating lipunan. Ito ay nagpapakita na ang bawat tagumpay ay dumadaan sa pagod at hirap bago makuha at makamit ang maginhawang buhay. Sa aking karanasan at pagsusuri sa lipunan, maraming kabataan ang gusto at ninanais mag-aral ngunit sa kabila ng kahirapan, marami rin ang napipilitang huminto dahil sa kakulangan ng pera at mas pipiliing tumulong sa pamilya upang may makain sa pangaraw-araw. Hanga naman ako sa mga batang katulad ko dati ay kahit na walang baon, pera at gutom na pumapasok sa eskwelahan ay hindi ito hadlang upang makamit ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Aking hiling na sana ay pagtuunan ito ng pansin ng ating gobyerno dahil maraming naghihirap na mamayang Pilipino.

    ReplyDelete
  12. Edukasyon lamang ang susi para makamit natin ang ating pinapangarap dahil ito lamang ang magpapangat sa ating mga to tungo sa kahirapan kapag tayo nakapagtapos magagawa na natin ang gusto nating gawin sa buhay at mapapaunlad natin ang ating mga sarili wala ng mga tao mag mamaliit sa atin dahil sa isa na tayo professional na tao at mayroon na tayong maipagmamalaki.

    ReplyDelete