Lazada

Saturday, March 4, 2017

PARA SA’YO Patrick Helera

PARA SA’YO
Patrick Helera

Nakapagtataka ‘no?
Pero totoo ‘yan
At nagpapasalamat ako sa’yo.

Salamat sa minsan mong pagdaan.
Sa minsan mong pagkatok.
Sa minsan mong pagpapatibok.
Ng aking puso.

Salamat sa’yong mga tula.
Sa’yong mga matatamis na salita.
Sa’yong pag-alala.
Kahit na ‘di koi to nasuklian ni minsan.

Patawad din kung ika’y pinaghintay
Upang mahawakan ang aking kamay.
Kaya marahil ‘di kita masisisi sa’yong pagsuko,
Dahil napagod na ang ‘yong kamay sa pag-antabay upang ako’y saluhin

Hindi kita malilimutan.
Pangako ‘yan!
Salamat sa mga alaala.
Paalam.

10 comments:

  1. Kapag ang taong patuloy na naghihintay at kumakapit sayo kahit na pinaparamdam mo na wala lang siya sa iyo, mahal ka nito. Mahal ka na tipong gagawin ang lahat para sayo kahit wala namang kasiguraduhan sayo. Ngunit kapag ang taong iyon ay napagod na at ikaw ay iwan, hindi ibig sabihin noon na hindi ka na niya mahal. Maaaring napagod na siya dahil sa pinaparamdam mong wala siyang halaga sayo.

    ReplyDelete
  2. Minsan talaga mas masakit pang kumapit kesa bumitaw nalang dahil kapag ikaw ay kumapit masasaktan kalang pero kung ikaw ay bumitaw na paunti unting mawawala ang sakit, ramdam ko yung kwento na to kase nangyare na saken, shout out pala kay ate salamat sa pag daan sa buhay ko itinuturing ko yon na blessing kase kahit papano atlis nakilala kita

    ReplyDelete
  3. Mahirap talaga kapag ang isang tao ay pinaghintay, yung tipong naghihintay sya para sayo ng walang kasiguraduhan. Naramdaman lang niya na wala na siyang halaga sayo at parang ayos lang kapag wala siya sa buhay mo. Napagod siya sa kahihintay na siya naman ang pahalahagan mo at maramdaman niya na hindi mo kaya na wala siya.

    ReplyDelete
  4. yung tipong pinaghantay ka tapos wala namang kasiguraduhan. Syempre dun mo mararamdaman na wala kanang halaga o ano pa sayo.Ngunit kahit naghintay siya pero di niya paring nagawang sumuko dahil mas mahalaga ka sakanya.

    ReplyDelete
  5. Maraming akong naririnig na nagsasabing "kung mahal ka talaga niyan! Maghihintay yan! Kahit gaano pa katagal!". Ngunit hindi naman ibig sabihin ng bumitaw siya kaagad, hindi ka niya mahal. Maaring nagawa na siyang maghintay sayo. Ngunit maari rin namang iniisip niyang wala lang talaga siyang pag-asa sayo. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin na naging kawawa siya dahil pinaghintay mo siya ng matagal. Minsan kasi, hindi natin nasabi ang ating tunay na nararamdaman dahil may humahadlang. At hindi ko rin naman masasabing epal yung mga hadlang, kasi maaring yung mga hadlang na yun ang maaaring magpaganda sa iyong kinabukasan. Hindi natin alam hindi ba? Ang mahalaga ay sina sama pa rin ang utak sa bawat desisyon. Ang mahalaga, maapreciate mo lahat ng mga bagay na nangyari o binigay sa iyo.

    ReplyDelete
  6. Ang pagbitaw sa pagmamahal sa iyo ay hindi nangangahulugan na hindi ka niya minahal ng tunay marahil ay iniisip din niya ang kapakanan mo o kaya naman ay tumigil muna siya sa pagmamahal sayo upang mahalin niya muli ang kanyang sarili upang sa panahon na handa ka na ay handa na ulit siya na mahalin ka.

    ReplyDelete
  7. Sa aking pananaw, isang matapang na pagdedesisyon ang ginawa ng may-akda rito. Ang bitawan ang isang taong hindi mo naman talaga mahal. Para sa akin, isang matapang na gawain iyon, sapagkat marami sa mga kabataan ngayon ang walang pakialam sa nararamdaman ng iba, basta ang mahalaga'y masaya siala sa kanilang ginagawa.

    ReplyDelete
  8. Ang tunay na pagmamahal ay nagsasakripisyo at hindi dahil bumitaw ay hindi ka na mahal bumitaw lang sya para sa kapakanan nyong dalawa o bumitaw din sya upang hanapin ang sarili at maging handa para sa susunod nyong pagiibigan o pagkikita ay maging maganda ang inyong kinabukasan

    ReplyDelete
  9. nagmahal,nasaktan,nagpasalamat isa kang tunay na malakas dahil kahit nasasaktan ka na pinili mo paring maging masaya para sa naging desisyon niya malakas ka dahil imbis na magpakabitter ka nagpasalamat ka na lang sa kanyang nagawa at sa mga alaalang nagawa ninyo.

    ReplyDelete
  10. Makikita rito ang kaisipan ng pagmamahal ng walang kasiguraduhan. Buhat ng isa lang ang nagmamahal ay mahirap tukuyin kung dapat mo bang ibalik ang pagmamahal n'yang inialay nya para sa'yo. Ganunpaman, dapat isipin ng higit ay kung ano ba ang nararapat? kung liligaya ba o hindi? kung mananatili ba o magkakawalay din? dahil mas mabuting pag-aralang mabuti ang desisyon sa una pa lang, dahil mahirap pag sa huli kayo'y masasaktan.

    ReplyDelete