Lazada

Saturday, March 4, 2017

Kaya Ko Na Ni Jida Suzane Isaac

Kaya Ko Na
 Ni Jida Suzane Isaac

kaya ko nang tumingin sayong mga mata,
 matang nakatingin na sa iba,
 hindi na ko bata,
 para sayo'y muling magpakumbaba.

kaya ko nang magpunta sa'ting tagpuan,
 at harapin nakalipas na alaala,
 mga nangyaru sa nakaraan,
 simula ng ika'y makilala.

kaya ko nang ngumiti ng tunay,
 sa'king puso bumalik na ang buhay,
 kasayahan na ay walang humpay,
 ako'y malaya na sa dulot mong lumbay.

2 comments:

  1. May mga bagay na sa una akala mo hindi mo kaya dahil iniisip mo agad ang negatibo pag wala siya. Siguro hindi siyapara sayo. Kayanin mo ang lahat para sayo, hindi para sa iba.

    ReplyDelete
  2. Oras at tamang panahon para maghilom yung sakit.Ngayong naghilom na ang sakit na dulot ng nakaraan. May mga natutunan na tayo tungkol sa nakaraan at masarap sa pakiramdam na nakabangon ka ulit kahit masakit ang naging nakaraan mo. Natutunan mong patawarin ang naksakit sayo at magsimula ulit ng bago.

    ReplyDelete