BUHAY PUP: ALAALA NI ISKA
ni Maj Punzalan
Ano ba ang PUP? Polytechnic University of the Philippines a.k.a Sintang Paaralan, isa sa mga pinaka prehistiryosong paaralan ng ating bansang Pilipinas. Ano ba ang mararanasan mo sa PUP? Init, Pagod, Hirap, sungit ng mga staffs, kawalan ng mga guro, haba ng pila, Roleta at higit sa lahat pag pupursiging makapagaral kung ayaw mo na masayang ang iyong pinaghirapan at marami pa ang mga katagang masasabi sa PUP, sa kabila ng lahat maganda ang maidudulot sa atin ng Sintang Paaralan lalo na sa larangan ng pagaaral, pagkakaroon ng trabaho at isa na dito ang pagkakaroon ng masasayang alaala, alaala na tatatak sa ating mga puso, hindi biro magaral sa PUP dahil pag susunog kilay at dugo't pawis ang kailangang ialay, ngunit hindi parin mawawala ang mga alaala na naging masaya tayo dahil kasama natin ang ating mga kaibigan, isipin mo? Sa dose pesos may matututunan kana, may magagandang alaala kapa.
Wala pang isang taon ang pagaaral ko sa PUP ngunit masasabi kong malaking pagbabago ang naidulot sa akin nito mas lalo akong namulat sa mundong magulo at mas lalo akong namulat sa iba't ibang uri ng tao, dito mo mararanasan ang mga bagay na hindi mo pa nararanasan, dito mo masasaksihan ang katotohanan na itinatago ng telebisyon, dito mo makikita kung gaano naghihirap ang ating bansang pilipinas at dito mo makikita kung gaano kasakim ang mga tao sa mundo, ito ay ang mga alaalang gigising sayo sa bangungot ng katotohanan.
Sa PUP mo makakasalamuha ang mga taong hirap sa buhay, may pinagdaraanan at nagsisikap upang makaahon sa hirap ng buhay, ito ang alaala na nagpaantig ng aking damdamin.
Wala man akong sapat na kaalaman upang magpahayag ng iba't ibang bagay tungkol sa PUP para sa akin ay sapat na ang aking nalalaman dahil kung tititigan mo lamang ang Sintang Paaralan ay iba't ibang salita na ang lalabas sa bibig mo iba't ibang pangyayari na ang aabangan mo. Sa kaunting panahon na aking pamamalagi sa PUP ay marami na agad akong alaalang nabubuo, alaala na paniguradong hinding hindi ko makakalimutan positibo man o negatibo, Mga alaalang darating pa sa aking buhay estudyante dito sa PUP, ang mga alaalang kailanman ay hinding hindi makakalimutan ng isang iska na katulad ko.
Hindi biro ang pag aaral sa PUP marami ka talagang masasaksihan na pangyayari sa buhay mo na ngayon mo lang makikita at ito ay magiging silbi mong aral sa buhay hindi man kompleto ang guro ngunit may matututunan ka naman dito at marami kang pedeng magawang alaala na hindi mo makakalimutan sa loob ng taon na pamamalagi mo sa paaralan ng PUP.
ReplyDeleteDito mo mararamdaman ang pagod at ang sakripisyo para lang pumasa ka, gurong nawawala? oo totoo yan laging nangyayari, pero kahit pa nawawala ito ay sapat naman ang matutuhan mo. Maraming pagsubok ang darating sayo dito sa PUP, kilala itong iskwelahan na ito kaya kung ako sayo wag kang sumuko sa kagustuhan mo.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteBase sa aking naranasan at nasaksihan sa loob ng unibersidad, dito mo talaga masasaksihan ang mga bagay na kailanman hindi mo aakalaing dito magmumula. Mga pangyayaring dito mo unang mararanasan, tiyak na ito'y makapagbibigay sa iyo ng galak at ang isa nama'y iyong ikadidismaya. May mga kakulangan man sa mga pasilidad, ang ibang mga guro pa’y tila nawawala, ngunit matitiyak mo namang puro ang edukasyon ihinahandog sa aming lahat. Kahit sobrang hirap bumyahe, kahit mainit sa loob ng klase, kahit maingay ang kapaligiran, tiyak mo namang pagnakapagtapos ka rito, samu't saring oportunidad ang iyong matatanggap. Kitang-kita naman sa mga mag-aaral dito na madalas ay kapos sa kanilang mga pinansyal, ngunit ang mahalaga’y alam mong mayaman naman sila sa kaalaman, batid mong nagsusumikap ang bawat isa na makapagtapos para sa kanilang kinabukasan. Dito ka matututong magpahalaga sa kung anong meron ka lang, kung ano yaong nakahain sa harap mo, yaon lamang dapat ang bigyang pansin at halaga. Pinahahalagahan namin ang oportunidad na nakapag-aaral kami dito, sa higit sampung buwan, napakarami ko ng matutunan, bagong kaalaman man sa aming edukasyon pati na rin kaalaman sa buhay bilang isang mamamayan.
ReplyDeleteAng akdang ito ay isang patunay na ang paaralang pup ay isa sa magandang paaralan dito sa pilipinas. marami kamang masasabi tulad na lamang ng mainit, waalang prof at iba ngunit ang mga karanasan sa pup ay magagamit mo upang makipagsapalaran sa bagong kabanata ng iyong buhay. Sumasang-ayon ako sa awtor na dito matatagpuan at makikita ang ibat-ibang karanasan na nagbibigay saya sa atin.
ReplyDeleteTotoo nga naman ang sinasabi ng may akda sa mga mararanasan sa Sintang Paaralan. Ang hirap makapasok lamang sa paaralang ito ay walang wala sa dati kong paaralan noong Junior High School pa lamang ako. Sa paaralang ito ay matututo kang magtiyaga at magsikap kung nais mong bumuti ang iyong mga grado. Magpupuyat ka para makapagaral para sa mga pagsusulit. Makikita rin dito na lahat ng estudyante ay pursigidong makapagtapos. Kahit maraming pagkukulang ang Sintang Paaralan ay ang mga alaala at ang mga karanasan mo dito ang iyong magiging puhunan upang makamit mo ang iyong mga pangarap.
ReplyDeleteOu nakakapagod mainit mahirap mrmenq paqsubok na nadtinq paq dto ka maqaaral . Ngunit imulat natin anq mata natin ! Nandto tayo SA reyalidad na atinq qnqalawn . Dito tayo matututo kunq paano tlqa gumagalaw anq ating bansa ! Dto tayo matututo kunq paano ipaglaban ang karapatn kht tayong walanq kapangyrhn .
ReplyDeleteKyla Mendoza
Bawat linya sa akda ay masasabing katotohanan, at kung ano man ang mga negatibong nabanggit sa akda ay nagsisilbi sa aming positibo upang maging mas praktikal na madiskarteng mag-aaral
ReplyDeleteAng PUP ay isang paaralan na hindi ka mabubuhay kung hindi ka tatayo sa sarili mong mga paa,difo mo masusukat kung hanggang saan mo ba talaga kaya panindigan ang iyong mga pangarap sa pamamagitan ng pag-aaral ,pag-aaral ng maraming hadlang na kakaharapin. Subalit sa oras na makapagtapos ka sa paaralang ito, grumaduate ka man ng maitim,madaming pimples at haggard, buong taas noo mo parin na kayang sambitin na PUPian ako
Bilang isang iskolar masasabi kong halos lahat ng nabanggit sa akda ay pawang katotohanan. Sa katunayan masayang mag-aral sa PUP kahit na wala pa sa taon ang ginugol ko dito ay masasabi kong isang karangalan ang makapag aral sa Sintang paaralan.Maraming pagkakataon na napapansin ko ang sarili kong nagbago. Marami nang mga ugaling hindi maganda sa akin ay naalis. Isa na doon ang pagiging mahiyain sa PUP dapat malakas ang loob mo upang labanan ang lahat ng pagsubok na hahadlang sa iyo. Sa PUP ko natutuhan na hindi hadlang ang kahirapan para makapagtapos ng pag-aaral at maging isang propesyunal balang araw.
ReplyDelete