SA ORAS NA DUMATING: ANG APAT NA BUWAN
ni Jesmar Dantes Roque
Sa natitirang dahon sa aming manggahan
Ekspedisyong malayo sa aking kaisipan
Tangayin na sana sa kawalan.
Oro ngang maituturing
Kalendaryong matulin
Tapusin ang mga gawain
N
amatay na sama ng kalooban
Oras ng kapayapaan
Balutin ng katahimikan.
Darating si ninong
Ibubuhos ang inipon
Sobre at mga kahon.
Bakasyon ba ito ng PUP? Haha. Sa loob kasi ng apat na buwan, Maraming maaaring mag bago. Maraming maaaring gawin. Sa loob ng apat na buwan, may mag hihilom na sugat, may makakalimot, may kapayapaan. Panahon itong nakalaan para sa ating sarili.
ReplyDeleteSa tingin ko ang unang saknong ay tungkol sa buwan ng setyembre kung saan ang mga dahon sa puno ay naglalagas na at ito ay maihahalintulad sa pagragasa ng mga ala-ala
ReplyDeletesa ikalawang saknong ay tungkol naman sa oktubre na maaaring tungkol sa paghahanda sa sembreak.
sa pangatlong saknong maaaring tungkol ito sa buwan kung saan natin idiniriwang ang piyestang patay
sa pang-apat na saknong naman ay makikinita na tungkol ito sa buwan ng kapaskuhan
Para katulad lang ito ng pup na apat na buwan ang bakasyon maraming pwedeng mangyari at pwedeng gawin at maraming mga tao na sawi sa pag-big.
ReplyDelete