Lazada

Saturday, March 4, 2017

KAYAMAni ni April Pauline Tayoni

KAYAMAni
ni April Pauline Tayoni

Bansang Pilipinas
Sagana sa likas na yaman
Kaya lubos na nagpapasalamat sa poong maykapal
Na mabiyayaan ng paraisong walang katulad

Turista'y galing iba't-ibang bansa ay patuloy na tinatangkalik ang bansa
Bohol, Palawan, Cebu, Ilocos, Batanes
Iilan sa mga tanawing walang kupas ang kagandahan

Pagtapak mo pa lamang sa lupa ay mapapanganga sa gandang natural ng kalikasan
Sabayan mo pa ng mga taong wagas ang ngiti kung salubungin ka
Napaka presko ng hangin, pag nahampas sa aking balat ay hindi maipaliwanag ang damdamin
Tingnan lang ang ulap at mawawala ang problema

Talagang wala kong masabi sa gandang anyo nito
Ika nga nila It's more fun in the Philippines
Kaya pag nagkatrabaho ako, uunahin ko muna ang Pilipinas bago ang iba
Nandito na nga tayo maghahanap pa ba tayo ng iba?

Kaya dapat lubos nating paka ingatan ang mga ito
Tayo ang dapat mag alaga dito at huwag na huwag sirain

30 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. Denmark Manlusoc

    Tunay ngang napaka daming magagandang tanawin dito sating bansa, hindi ka mag sasawa sa dami ng pwedeng pasyalan at libutin sa mahigit ba namang pitong libong pulo ng bansa talagang namunutik ang atung inang bansa sa ganda at yaman kaya naman sana upang mapanatuli ang angking ganda nito ay mag tulongan tayo na pangalagaan at pakaingatan ang ang ating likas na yaman, wag sana nating sirain at guluhin pa, tandaan nating tahanan natin iting lahat kayat tayo ang responsable sa pangangalaga nito.

    Naway mapanatili natin ang ganda ng atung kapaligiran uoang maranasan pa ng mga susunod pang henerasyon ang walang katulad na ganda ng ating bansang Pilipinas

    ReplyDelete
  7. Ganto kaganda ang Pilipinas, dahil sa magagandang tanawin ay madaming turista ang dumadayo, pero sa likod ng kagandahan nito ay marami paring sumisira sa sariling atin, dapat natin pangalagaan ang sariling atin na maipagmamalaki naman talaga

    ReplyDelete
  8. Nakakatuwang isipin na sa ganda ng ating bansa ay marami ang nahuhumaling. Kayat nakapagtataka narin bakit ang iba ay gusto itong lisanin para mangibangbayan.
    Hindi naman masamang pangarapin ang ibang bansa ngunit mas maganda parin kung alam mo ang kultura at yaman ng iyong bansa, mas maganda na rin kung ito sana ang iyong unang mahalin.

    AIRA MAY JUDAN

    ReplyDelete
  9. Tunay ngang It's more fun in the Philippines. Maraming napakagandang tanawin sa ating bansa na nagdadala sa ating mga turista dito sa ating bansa. Kung tutuusin nga ay mayaman sa likas yaman ang ating bansa ngunit nakalulungkot isipin na may mga Pilipinong mas pinipiling lisanin ang ating bansa. dapat rin na pangalagaan ang ating bansa at ating ipagmalaki sa iba.

    ReplyDelete
  10. it's more fun in the Philippines talaga! dapat nating ipagmalaki ang sariling atin. Bilang mamamayan ng bansang ito, dapat tayo ang magmahal ng sariling atin.ang tangkikilin ang sariling atin.

    ReplyDelete
  11. Isang napakaganang akda na napakaganda din ng nais na iparating na mensahe sa mga Pilipinong mambabasa.
    Nawa'y sa matapos basahin ang akdang ito, Makintal sana sa kanilang mga isipan na ang ating kapaligiran at likas na yaman ay dapat pangalagaan .
    Tunay na napakaganda ng ating bansa. Hitik tayo sa mga likas na yaman na talaga namang nakabubusog na pagmasdan. Sanay huwag sayangin ang biyayang kaloob ng satin. Pangalagaan ito at tangkilikin. Unahin ang pagpunta sa sariling atin at bayan ay huwag lisanin.

    ReplyDelete
  12. Maraming nangangarap makarating sa korea, sa Japan, sa Estados Unidos at sa iba't ibang bansa. Marami ring tumatangkilik sa produkto ng ibang bansa. Mapapatunaya ito sa mga kagamitan natin katulad ng samsung, iphone at iba pa. Mas gusto ng marami ang mga ito kumpara sa mga pinoy brand kagaya ng cherry mobile at myphone. Ang masasabi ko lang ay dapat matuto tayong mga Pilipinong paunlarin ang Pilipinas kahit sa maliit na paraan katulad ng pagtangkilik ng sariling produko dahil alam ko na dito lamang natin makakamtan ang tunay na kaunlaran kung magkakaisa tayo at papaangatin ang sarili nating bayan. Nawa'y ang post na ito ay magsilbing paalala na dapat mas inuuna natin ang sariling atin kaysa sa gawa ng ibang lahi.


    EDRIAN O PABONA STEM-24

    ReplyDelete
  13. Alam nyo ba na ang Pilipinas ay isang paraiso? Hindi ko alam pero para sa akin paraiso ang bansang tinirhan ko dahil dito? kumpleto! kulang nlng ang maayos na gobyerno. Malungkot man isipin pero tayo ay isang maayos na bansa ngunit bulok ang pnamamahala. Bawat tanawin ay makikita ng dalawang mata at mamangha nalang dahil sa kagandahan na ibinigay ng Poong Maykapal kayat ingatan natin ang ating bansa at pagyamanin natin ito
    -charles coronel

    ReplyDelete
  14. Likas na sa Pilipinas ang pagiging natural. Mga bagay,panahon, kultura, lugar at maging tao ay may taglay na sariling kagandahan. Ang Pilipinas ay binubuo ng 7.107 na isla, kaya 'di hamak na pinagpala ang bansa natin sa tinatamasang kagandahan. Likas sa mga Pinoy ay pagiging maasikaso sa mga bisita o kung sino pa mang banyagang mapapadayo sa bansa. Kung kaya't panalong-panalo ang mapapadpad sa ating bansa. "It's more fun in the Philippines" ika nga.

    ReplyDelete
  15. Napakaganda ng ating bansa ngunit minsan tayo na rin ang mismo ang sumisira, kaya dapat isaisip natin na tayo rin ang makikinabang kung atin itong aalagaan at mas maipagmamalaki pa natin ito sa mga ibang bansa.

    ReplyDelete
  16. Isa ako sa pinakamaswerteng tao sa buong mundo, sapagkat ako'y narito sa bansa ko, ang Pilipinas. Laganap man ang kahirapan, lubos lubos naman ang kayamanan ng likas na yaman. Hindi na ako magtataka na isang araw ay uunlad din ang Pilipinas. Ramdam ko na.

    ReplyDelete
  17. Ako ay natutuwa sa tulang ginawa ng awtor pagkat halatang kanyang na-aappreciate ang ganda ng ating bansa, na siya namang aking sasang-ayunan. Hangga't maaga pa, dapat ay pangalagaan natin ito upang hindi tayo magsisi sa hinaharap kung kailan ito ay sira na. Dapat ay disiplinahin natin ang ating mga sarili na huwag magtapon ng basura kung saan saan dahil sa maliit na gawaing ito, maaaring masira ang ating kinabukasan. Ako ay naniniwala na sa ating mga sarili magsisimula ang pagbabago. Umaasa ako na magigising sa katotohanan ang mga tao at sisimulan ng alagaan ang ating kapaligiran dahil isa din itong daan upang umunlad ang ating bansa.

    ReplyDelete
  18. Ako ay natutuwa sa tulang ginawa ng awtor pagkat halatang kanyang na-aappreciate ang ganda ng ating bansa, na siya namang aking sasang-ayunan. Hangga't maaga pa, dapat ay pangalagaan natin ito upang hindi tayo magsisi sa hinaharap kung kailan ito ay sira na. Dapat ay disiplinahin natin ang ating mga sarili na huwag magtapon ng basura kung saan saan dahil sa maliit na gawaing ito, maaaring masira ang ating kinabukasan. Ako ay naniniwala na sa ating mga sarili magsisimula ang pagbabago. Umaasa ako na magigising sa katotohanan ang mga tao at sisimulan ng alagaan ang ating kapaligiran dahil isa din itong daan upang umunlad ang ating bansa.

    ReplyDelete
  19. tunay na Pilipino ang awtor. Mas minamahal niya ang sariling atin kaysa sa ibang bansa. Nakatutuwa na sa simpleng pagbuo ng salita ay nasasalamin ang dugong Pilipino na mahal natin ang ang kung anong mayroon tayo. mabuhay ka!

    ReplyDelete
  20. Makikita sa tulang ito kung gaano kaganda ang bansang Pilipinas. Dapat lang natin itong pagyamanin at mahalin ng lubusan. Ngunit nakakalungkot isipin na, minsan tayong mga Pilipino pa ang hindi tumatangkilik sa sariling atin at mas pinipili pa na ibang bansa pa ang paglingkuran.

    ReplyDelete
  21. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  22. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  23. Dapat lang mahalin natin ang sariling atin tunay na pilipino ang nagsulat dahil iinagmamalaki niya ang bansa kung saan siya nanggaling, Sana lahat ng Pilipino ganito ang nasa isip at puso dahil dito mo makikita ang tunay na nagmamahal ng sariling bayan hindi na natin kailangan maghan ng iba dahil nasa kamay na natin ang ating kpalaran

    ReplyDelete
  24. Pagmamahl sa ating Sarili ay dapat tulad ng pagmamahal sa ating kalikasan, kung kalinga ang siyang ibibigay natin, ganhn din ang ibabalik sa atin. Ngunit kung kaabusuban at kasiraan ang ating ibibigay, ito mismo ri ang sisira at kikitil sa atin.



    JELYN MARIE CASA

    ReplyDelete
  25. nakakatuwa dahil mahal ng awtor ang Pilipinas, ipinapahayag niya ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng isang akda, gaya ng awtor na gumawa nito dapat din nating mahalin ang Pilipinas gaya ng pagmamahal ng nito sa ating bansa

    ReplyDelete
  26. Tunay na napaka ganda ng ating bansa kaya't Sanay atin itong alagaan at Huwag nating sirain dahil alam naman natin na ang likas na yaman ay ang pangunahin nagpapakulay sa bawat bansa at tayo ay mapalad sapagkat isa tayo sa nabiyayaaan ng napakagandang kalikasan kaya tayo ay mag tulong tulong upang lalo pa itong mapa yabong at upang mas makilala ang ating bansa dahil dito

    ReplyDelete
  27. oo maraming magagandang lugar dito sa pilipinas pero nakakalungkot dahil tayong mga tao ang gumagawa ng mga bagay na makakasira sa mga ito. Bilang estudyante, tulungan sana natin ang ating kalikasan, upang patuloy pa itong tangkilikin ng mga dayuhan. its MORE FUN IN THE PHILIPPINES, hindi ITS MORE HATE IN THE PHILIPPINES

    ReplyDelete
  28. Sa tulang ito pinapakita kung gaano kaganda ang Bansa natin. pinapakita dito na ang bansa natin ay hindi dapat binabalewala lamang na kung susuriin at ating lalakbayin ay maraming mas maganda pa itong tourist spot kesa sa ibang bansa na nais nating mapuntahan. Pinapakita ng tula na ito kung ano ang meron tayo at ano ang dapat nating pahalagahan bago mahuli ang lahat.

    ReplyDelete
  29. Talaga ngang 'ITS MORE FUN IN THE PHILIPPINES' marami talagang magagandang tanawin sa ating bansa. Magpasalamat tayo sa maykapal na nagbigay ng lahat ng mga bagay na ating nakikita sa ating kapaligiran. Mga tanawin na kay sarap pag masdan kaya wag natin itong babalewalain lamang dahil isa itong bigay at regalo ng maykapal upang mas maging makulay at maganda ang ating kapaligiran na dapat lamang na ating pahalagahan. Tunay talagang napakayaman ng ating bansa lalo na sa mga likas na yaman kaya huwag natin itong aabusuhin dahil ito'y maaaring mawala kung hindi aalagaan at hindi papahalagahan ng tama.

    ReplyDelete