Lazada

Saturday, March 4, 2017

Sabi Nila ni Heidie Torzar

Sabi Nila
ni Heidie Torzar


Sabi nila hindi ko daw kaya
Mahina daw ako, lampa
Sabi nila pangit ako
Walang pakinabang, tamad

Mahirap pakisamahan
Walang kaibigan
Nag-iisa
Hindi ko daw kayang umangat
Malungkot ang buhay

Pero sabi lang nila yon
Iba ang sabi ng Panginoon ko

5 comments:

  1. Huwag kang makinig sa kung ano ang sasabihin ng iba, mas paniwalaan mo ang iyong sarili, ang iyong kakayahan dahil kapag naniwala ka sa iyong sarili makakaya mo ito. At kapag naniwala ka sa panginoon at nagtiwala ka sa kanya, makakaya mo ang lahat

    ReplyDelete
  2. Hindi dapat nagpapaapekto sa mga sinasabi ng iba dahil hindi naman sila ang huhubog ng sarili mong pagkatao at hindi sila ang magdidikta ng iyong kinabukasan. Ang mga dinidikta nila sayo ay mga pisikal lamang at base sa kanilang mga nakikita. Marahil ay naiingit lang din sayo ang mga iyan. Hindi nila alam ang katotohanan sa likod ng mga sinasabi nila. Kaya bagkus na patulan ito ay magpatuloy sa buhay at dire diretso lang sa daang tinatahak ng may ngiti. Dahil sa huli ay ikaw din ang bubuo ng sarili mo at wala nang iba.

    MARK DARRYL M. DELORIA

    ReplyDelete
  3. Sang ayon ako sa sinabi ng author ng akdang ito. maaaring marami ang pumipilit na ibaba ka pero wag mong kakalimutan na mas marami pa din ang mga taong pinapahalagahan ka. hindi na bago satin ang mga ganitong usapin, dahil una sa lahat nasa mundong makasalanan tayo. ang dapat lang nating gawin ay maniwala at magtiwala sa panginoon.

    ReplyDelete
  4. Huwag tayong magpapaapekto sa mga sinasabi ng iba. Nariyan sila upang subukin kung gaano ka katatag sa mga pagsubok na iyong hinaharap. Basta humugot ng lakas at manalig lamang sa ating panginoong Diyos nariyan siya upang gabayan tayo sa mga pagsubok na dumadaan sa ating buhay.

    ReplyDelete