Ulila ng kahapon
akda ni Catherine Algario
Minsang ikinabuhay ang puno'y itumba
Gagamitin ang salapi pangbuhay sa pamilya
Ibebenta panggatong sa bayan sa ibaba
Uling, o kahoy ma'y panggamit din kaya
Pag akyat sa bundok ay naging madalas
Tangan ang tabak, malaki't matalas
Pagkita'y ko'y luminis, araw na minamalas
Wala ng matanaw, wala ng punong magapas
Dumating ang araw na siya kong kabayaran
Napakalakas na bagyo kami'y tinamaan
Nadatnan ang pamilya, hininga'y nalagutan
Saksi ang mata ko sa delubyong naranasan
Labis na nangulila at nagsisi bigla
Buhay pala ang kapalit ng aking nagawa
Ang pamilyang inalayan ko ng aking lahat
Ngayo'y nawala sa isang segundong iglap
Ako'y muling bumalik sa dating tagpuan
Hindi para sumira kundi upang tamnan
Ang bundok na minsan kong sinira't pinatay
Pagtatanim na ang bagong ikinabubuhay
Tunay na dapat pangalagaan ang kalikasan. Sa pang- aabuso rito, maaring buhay ang kapalit. Huwag dapat abusuhin ang mga biyayang ibinibigay nito sa atin, kailangang pahalagahan ito at huwag ubus- ubos biyaya.
ReplyDeleteAng kalikasan natin, talagang mapagbigay ang dami nating nakukuha mula rito ngunit ang tanong, may naibibigay ba tayo pabalik sa kanya? Dapat nating pahalagahan ang ating kalikasan kasi pag yan sa ati'y nagtampo malaking dagok ang sa ati'y darating.
ReplyDeleteNakaramdam ako ng tunay na emosyon habang binabasa ko ito. Nakakatuwa at may isang taong namulat sa katotohanang ito. Naway lahat tayo ay magising at pagtatanim ay gawin.
ReplyDelete