Lazada

Sunday, March 16, 2014

Kanser Ni:Catherine Algario

Kanser
akda ni ni Catherine Algario


Sakit na lumaganap sa buong kapuluan
Walang kamatayan, walang kalunasan
Walang pinipili, mahirap o mayaman
Dapuan ka nito hatid ay kahangalan

Ito’y kanser sa isip na naghahatid
Kadiliman sa mundong hindi mo batid
Pagsamsam sa kayamanan, sagad sa ganid
Pera ng bayan - nilimos, pinahid

Tahanan,gobyerno, lalawigan at bayan
Kahit saan, walang kinikilingan
Ang sakit na kanser ay aking pinangalanan
Tinawag itong kurapsyon sa bayan

Oras na gamutin ay lalong lumulubha
Sakit na ito’y lalo pang nakahahawa
Panawagan ng tao’y wag na sanang lumala
Sigaw ng pagbabago’y sa sarili magmula


8 comments:

  1. Maganda ang naging simbolismo sa kurapsyon - kanser.

    ReplyDelete
  2. Tunay na salot ng ating bayan ang kanser, ito ang pumapatay sa ating lipunan

    ReplyDelete
  3. Mahusay ang paggamit ng simbolismo :)

    ReplyDelete
  4. Mahusay na akda! :) Napapanahong usapin, ang kurapsyon, ang di malunasang kanser ng lipunan.

    Para po sa manunulat, ipagpatuloy mo lang po ang paggawa ng mga akdang gaya nito, sapagkat nakakatulong ito sa mga kabataang gaya namin na mamulat sa mga napapanahong isyu. :) God Bless po <3

    ReplyDelete
  5. ang kanser sa ating bayan ay matagal ng nagsimula at ito nga ang kurapsyon sa bayan. tunay na lalong lumalaganap ito sa paglipas ng panahon.

    ReplyDelete
  6. Hangga't laganap lahat ng maduduming pulitiko ng ating lipunan, mananatiling malala ang kanser na ito at hindi mawawala.

    ReplyDelete
  7. Magaling ang paggamit ng mga salita (Symbolism)! Magandang-akda, may nilalaman!

    ReplyDelete