akda ni Catherine Algario
Ang buhay na minsang hinangad ng iba'y perpekto
Isang pantasyang nabuo mula sa kanya-kanyang kuwento
Inaasam na minsa'y maging isang himala
Ang makaahon sa kanilang kinasadlakang dusa
Ang buhay ay hindi lamang nauukit sa tala
Na sa tingin mo'y malayo't mahirap makita
Ang buhay ay nasa iyo at ang buhay ay ikaw
Sa iyo nakasandal ang pundasyon sa bawat araw
kung tutuusin ang buhay ay di ganoong kagulo
Ikaw lang ang sumisira kaya't naging kumplikado
Mahalin mo ang buhay sapagkat ikaw ay iyan
Magpasalamat sa biyayang ika'y pinalad bigyan
Ang buhay na minsan ay di napahahalagahan
Ang buhay na minsan din ay kinasisihan
Ang huminga at mamumuhay na kinikilala SIYA
Ay ang buhay sa piling ng mahal at nagmamahal sa kanya
Tama. Iba't iba ang buhay. Tayo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran.
ReplyDeleteNasa ating mga kamay ang ating kapalaran. Nasa sa atin kung pagagandahin ba natin ito o mapupunta tayo sa mga masasamang bagay o gawain. Tayo ang kumokontrol ng mga bagay bagay sa ating buhay. Kung mayroon man tayong pagkakamali, na sa atin na din kung ito ay ating babaguhin at kung tayo nama'y nadapa, tayo din ang may desisyon kung tayo'y mananatili na lamang na nakahandusay o tayo ay tatayo at aahon mula sa trahedya :)
ReplyDeletetayo ang may hawak ng sarili nating buhay.. tayo ang magdedesisyon sa takbo nito.. dapat nating pahalagahan ang bawat sandali dahil hindi habangbuhay ay nandito tayo sa mundo..
ReplyDeleteKailangan nating tanggapin kung ano ang meron tayo ngayon, tanggapin yung mga nangyayari sa ating buhay masaya man ito o malungkot dahil
ReplyDeleteito rin yung magdadala o
magiging dahilan kung paano maging mabuting tao :)
at nasa atin na din kung paano mo mapapaganda ang iyong buhay.
Nararapat pahalagahan at pagyamanin ang buhay sapagkat ito ay isang beses lamang kung ipagkaloob. :)
ReplyDeleteTayo ang may hawak ng buhay natin, kung anong mangyayari, kung ano ang kahihinatnan tayo at tayo lang ang may gawa niyan. Walang perpekto sa mundo, kaya hindi tayo dapat humahangad nito kasi kung minan sa sobrang pagpupumilit nating makuha ang isang bagay na hindi natin kayang abutin, nakakaligtaan natin ang mga bagay na nasa sa atin na, hanggang sa pareho ay hindi natin makuha.
ReplyDeleteTayo ang may hawak ng mga ginagawa natin ngunit ang Diyos ang may hawak ng ating buhay. Lahat ay naaayon sa Kanya.
ReplyDelete