akda ni Christine Joyce Cortez
Mga tanyag na mga paaralan
ang nagsisipag laban-laban
sa puwesto nag-uunaunahan
usapin sa iba't ibang mga larangan
Pagalingan kung sino ang tinagurian
na magaling maghasa ng kasanayan
Unibersidad na iyong kinabibilangan
hatid sayo'y palakasin ang iyong kahinaan
Pagpunta sa gyera o digmaan
lagi mo sanang pinaghahandaan
bala mo'y tanging sipag at katalinuhan
kalusugan ay wag mong kaililimutan
Pag-unlad mo'y wala sa mga paaralan
na sayo ang paggawa mo ng kapalaran
naway taglayin mo ang kasipagan
dahil hakbang yan sa yong kinabukasan.
Napakaganda ng tula. Para ito sa mga estudyante na katulad ko.
ReplyDeleteNakakatuwang isipin na halatang ginagawa ng taong ito ang lahat ng makakaya sa kahit anuman, ngunit bilang pansariling opinyon lang naman, tingin ko'y hindi paligsahan o laban ang pag-aaral. Ginagawa mo ito hindi para matalo ang iba, ginagawa mo ito para matalo ang kahinaan mo, at para matupad ang sarili mong pangarap. Basta't natuto ka, ginawa mo ang lahat, at wala kang natatapakang tao, isinaalang alang mo ang makabubuti hindi lamang sa iyo at ngunit para rin sa iba, iyon ang tunay na tagumpay, walang pagalingan. Tulungan, damayan, at pag-angat sa bawat isa ang kailangan, sa hindi naman masamang pamamaraan. Yun lamang.
ReplyDeleteKailanman ay hindi matutumbasan ng pera, ng katanyagan at ng kung ano pa man ang sipag at katalinuhang tinataglay ng mga mag-aaral. Ito ang mga katangiang nagiging susi upang ang isa ay magtagumpay sa buhay.
ReplyDelete