Ang Pamana
Ang Pamana (ni Catherine Algario)
Higit sa koronang ipinapatong sa ulo
Ay ang karangalang dala ng ipinamana sa’yo
Taglay ang ngalang malinis na ipinangalandakan
At katumbas na dignidad na matagal iningatan
Pamana ng ama’y dugtong ng kanyang ngalan
Apelyidong noon pa ma’y pinangangalagaan
Upang huwag mabahiran ni patak ng dumi
Yamang ipapasa ng susunod na salinlahi
Ang sa ina nama’y ang ginintuang kamay
Na siyang mag-aalaga at patuloy na gagabay
Haplos na banayad, may mahikang taglay
Pamanang aariin ko habang nabubuhay
Kami ma’y nagdarahop ay may kayamanan din
Gintong malinis, sino ma’y di kayang nakawin
Hindi palasyo, sasakyan, pera o karangyaan
kahit diyamante’y di kayang matumbasan
Ito ay tulang nagpapahiwatig na hindi lamang yaman o mga makamundong bagay ang kayang ipamana, kundi ang malinis at marangal na pangalan na ipinapasa at ipapasa natin sa susunod na henerasyon. Maingat na iningatan ng ating mga magulang, ninuno ang pinanghahawakan nating pangalan nawa sanay'y atin itong mapanatiling maayos . Ang dignidad at dangal ay ang isa sa mga bagay na mahirap ng makamit pag ito'y nawaglit :))
ReplyDeleteitong tulang nagpapahiwatig na ang kayamanan ay hindi lamang mga materyal na bagay na maaring ipamana kundi isang maganda at malinis na pangalan . Isang kayaman din ang magkaroon ng buong pamilya kahit ito man ay nakakaranas ng hirap pero wala makakatumbas na kahit anong kayaman sa mundo ang pamanang ito.

ReplyDeleteKaya naman ang mga pamanang ito ay dapat pinapahalagahan, hindi dinudungisan. Kahit na ikaw pa ang may hawak ng buhay mo, hindi ka naman nagiging ganyan kung wala ang mga magulang mo.
ReplyDelete