Lazada

Sunday, March 16, 2014

Abilidad (ni Joy Ann Baracena)

Abilidad akda
akad ni Joy Ann Baracena

Kakaibang kakayahan, umaangat sa lahat
Sa kasipagan mo, natutuwa lahat
Ni minsan, hindi ka nagreklamo
Kaya diyan kami bilib sayo

Minsa'y inutusan mamili mag-isa
'Di nag-alinlangan, ika'y nauna
Ngunit tila minalas ka bigla
Nagkaron ng problema, 'di sinasadya

Nag-isip ng napakalalim
Utak mo'y napakatalim
Marami ka mang nililihim
Mananatiling kimkim-kimkim

Panatag pag ika'y nandyan
Para bang walang kinatatakutan
Kakaibang abilidad, kay inam
Karapat-dapat parangalan







15 comments:

  1. Bawat isa ay may natatanging abilidad. :))

    ReplyDelete
  2. may kanya-kanyang talento at abilidad ang bawat tao.. kailangan lang maniwala sa sarili..

    ReplyDelete
  3. May natatanging talento, gamitin ang mga ito sa tama at nakakatulong sa kapwa :)

    ReplyDelete
  4. Abilidad mang maituturing, tunay pa ring maasahan din!

    ReplyDelete
  5. Tama! Dapat tayong magpasalamat sa abilidad na ibigay sa'tin ng Diyos. :)

    ReplyDelete
  6. Lahat ay may natatanging abilidad na dapat pagyamanin. :)

    ReplyDelete
  7. Ang ating abilidad ay dapat gamitin sa tama. Binigay ito ng Diyos upang maging ehemplo sa nakararami.

    ReplyDelete
  8. Abilidad na dapat gamitin ng wasto at pagyamanin ito upang maging inspirasyon at halimbawa sa nakararami.

    ReplyDelete
  9. Ang ating abilidad ay nakakapukaw ng inspirasyon mula sa nakararami pag ito'y nagamit ng wasto.

    ReplyDelete
  10. Napakagaling nga akda. :) Ang abilidad natin ay talagang malaking tulong sa tin ngunit sana gamitin natin ito ng wais at naayon sa bawat pagkakataon :)

    ReplyDelete
  11. mahusay!
    lahat nga naman ay may sariling abilidad :)

    ReplyDelete
  12. Ang akda ay nagpapatunay na may mga ganoong tao padin sa mundo. Ang abilidad ay di itinatago. Dapat itong ipinapakita.

    ReplyDelete
  13. kahanga-hanga :) karapat dapat kang parangalan sa abilidad mo sa pagsulat ng tula :)

    ReplyDelete