Pananabik
ni Arvin Arguelles
Sa tagal ng paghihintay
Araw, oras laging bilang
"Konting pagtitiis na lang"
Ang syang bulong sa isipan
Sabik nakong masilayan
Ama't ina kong mahal
Na walang ibang insip
Kundi aming kapakanan
Sabik na muling malanghap
Dampi ng hanging sariwa
Sa tuwing mararamdaman
Tyak pagod ay maiibsan
Sabik na muling madinig
Ingay ng puno't halaman
Na animo'y isang tinig
nitong inang kalikasan
Maganda ang tulang ito maaaring gawing inspirasyon ng iba na malayo rin sa kanilang magulang, pamilya o sa kanilang mga mahal sa buhay. Maswerte ka dahil kahit papano may pagkakataon pa rin na muli mong masisilayan at makakasama ang mga magulang. Konti tiis at push pa.
ReplyDeleteNapakaganda ng tulang ito. Ako rin ay nanirahan sa dorm noon at grabe rin ang pananabik ko na sila'y makita sa pagdating ng bakasyon.
ReplyDeleteIsa lamang iyang pagsubok! Malalampasan mo rin iyan! Makakapiling mo rin ang iyong pamilya
ReplyDeleteIba talaga ang buhay sa probinsya. Ako man ay nasasabik nang umuwi.
ReplyDeleteKay sarap isiping may pamilyang naghihintay sa iyong pagdating :)
ReplyDeleteNapakagandang akda! :))
ReplyDelete