Lazada

Thursday, March 13, 2014

Stephany Sibayan ni John Cedrick M. Dimayuga

Stephany Sibayan
akda ni John Cedrick M. Dimayuga

Ako ay may kaibigan
Stephany ang kanyang pangalan
Mula sa bayan ng Cainta
Siya ay tunay na maganda.

Di man nagkakilala sa maayos na paraan
Dahil sa una pa lang ako'y kanyang natarayan
Unang araw ng klase agad umulan
Inalok niya ako ng payong sabay sinungitan.

Siya ay matangkad at maputi
Maganda ang kanyang ngiti
Pareho kaming may bakal sa ngipin
Chicks talaga siya kung iyong tatanungin.

Palakaibigan siyang tunay
Dahil siya'y masigla't puno ng buhay
Masaya siyang kasama
Palagi kang tatawa.

3 comments:

  1. Napaka ganda! Sobrang gandang akda ito ni Cedrick Dimayuga. Salamat sa tulang iyong ginawa, ako ay sobra nitong napahanga. Tunay kang kaibigan Cedrick Dimayuga.

    ReplyDelete
  2. Magandang akda na nagmula sa madamdaming puso ng iyong matalik na kaibigan ;-)
    Magaling :)

    ReplyDelete
  3. Magaling.! Isa kang tunay na kaibigan! Patuloy na pahalagahan ang iyong kaibigan! dahil sila ay tunay na biyaya ng Maykapal!

    ReplyDelete