Lazada

Sunday, March 16, 2014

Bantulot ni Catherine Algario

Bantulot
akda ni Catherine Algario

Maraming mga katanungang nabubuo sa isip
Naghihintay ng kasagutan sa buwang sumisilip
Kasabay ng hanging malakas kung umihip
Paglabas ng damdaming kumakawalang pilit

Ipaglalaban ko ba o isusuko na lang ?
Paano ba umibig na di nasasaktan ?
Pagmamahalan natin ay unti-unting nawawala
Maglalaho rin kalaunan na parang bula

Paano ba ang araw pag di ka nasilayan,
Maging ang gabi pag di ka napanaginipan
Alaalang  nagbabalik, muli lang masasaktan
Ayoko ng magmahal kahit na kailan

Sa aking pagkabigo, aking napagnilayan
Sagot sa katanungan na walang alinlangan
Diyos na dakila aking pinasasalamatan
Nagmamahal sa akin ng walang hangganan


3 comments:

  1. Maganda ang pangwakas na saknong. Wala na ngang hihigit pa sa pagmamahal ng Panginoon.

    ReplyDelete
  2. Diyos na lamang ang mahalin, tiyak panalo ka na, di ka pa masasawi!

    ReplyDelete
  3. ito'y isang makatotohanang tula, tiyak na maraming makakarelate at sigurado isa na ko doon. :)

    ReplyDelete