Lazada

Sunday, March 2, 2014

Gumuhong Paraiso

Gumuhong Paraiso
akda ni Meicah Allaine M. Tangliben

Pag-ibig ay natutunan dahil sa’yo
Naramdaman sa’yo, pamamahalang totoo.
Saya ay tila ba walang hanggan…
Tunay na pag-ibig, ikaw ang nagbigay kahulugan…

Bawat segundo aking tinatamasa,
Tila nasa paraiso pag ika’y aking kasama…
Kahit ilang bundok aking aakyatin,
Upang sa iyong tabi, ako’y makarating…

Aking akala, lahat ay perpekto na.
Ngunit wala nga palang perpekto, ika nga nila…
Ika’y naglaho sa isang iglap…
Para bang ako’y nilaglag mula sa mga ulap

Masakit. Mahapdi. Sakit ay 'di nawawala…
Madalas nahuhuli ang sariling nakatulala…
Pait ng kahapon ay dama hanggang ngayon
Mula sa pagkalugmok ay kailan kaya makakaahon?

Ang dating paraiso ay biglang nagdilim…
Dating mga bulaklak, ngayo’y naging tinik…
Sa tuwing ito’y babalikan, ako’y nasasaktan…
Bumabaon mga tinik na aking naaapakan…

8 comments:

  1. Sir. Kulang po haha. Napunta ata dun sa isang tula yung huling stanza nito =))) -Meicah

    ReplyDelete
  2. Ang galing :)
    Tunay na masakit ang umasa at mangarap sa mga pangyayaring ikaw lang mismo ang may nais, nakakalungkot isipin na bawat bagay at maging mga pangyayari, lahat yun humahantong sa wakas :( tanging hindi magbabago hanggang sa dulo ay ang pagmamahal ni LOrd :)
    Infinite LOVE :) kumbaga

    ReplyDelete
  3. Mahusay!
    Sa pag-ibig kasi hindi natin malalaman na andiyan na pala siya hanggat wala yung taong dahilan kung bakit natin ito nadarama. Pero lagi nating tandaan na hindi lahat ng taong dumadaan sa buhay natin ay pangmatagalan. Yung iba dumadaan para lamang tayo'y bigyan ng aral. Basta hintayin lang natin ang tamang panahon dahil paniguradong may magandang plano ang Diyos para saatin at siya lamang ang makakaalam kung kailan, saan, at paano. Mayroon din siyang ibibigay saatin na magaahon mula sa sakit na kinasadlakan.:)

    ReplyDelete
  4. MAGALING ! :)
    Sabi nga walang permanente sa mundo lahat ay nagbabago .Parang sa love Hndi lahat ng taong nagsasbing mahal ka nila ay laging nandyan para sayo yung iba parang hangin lang na nagdaan tapos baliwala kana agad . Sabi din na mali ang magdesisyon ng permnen sa taong mali pagkat baka lalo ka lamang masaktan sa huli.Darating at darating din tayo sa puntong matatapuan natin yung tunay na taong nakalaan satin kusa lamang iyong darating . siguro ngay baka sinusulat palang ni lord ang lovestory mo :)

    ReplyDelete
  5. May mga pag-ibig na dumarating at umaalis pero sa bawat sakit, nalalaman nating palapit tayo ng palapit sa taong nararapat para sa atin! :)

    ReplyDelete
  6. may mga tao na sadyang napapadaan lang sa ating buhay ng panandalian, ngunit sa kanilang pagalis, nagiwan sila ng aral na ating mapakikinabangan ng pangmatagalan.

    ReplyDelete
  7. Ganyan talaga ant buhay, minsan akala natin siya na ang "The One", yun pala hindi pa

    ReplyDelete
  8. May nabasa ako sa isang libro. English ang pagkakasabi pero ang punto ay: Minsan ang "soulmate" natin ay hindi iyung tao na kasama natin "forever." Minsan, sila iyung mga tao na "dadaan" lang sa buhay natin at aalis din dahil may kailangan silang ituro na sa paglisan lang nila natin matututunan. :)

    ReplyDelete