Lazada

Saturday, March 1, 2014

Kalye'y Tahanan

Kalye'y Tahanan
akda ni Arvin Arguelles

Sa araw ay sa lansangan
Lata ay nasa harapan
Nanlilimos sa dumaraan
Sagot sa pagkalam ng t'yan

San man abutin ng gabi
Sa kalsada ay tatabi
Ilalatag kartong dala
Lamig ay di alintana

Ingay ng mga sasakyan
Pati na rin ng dumadaan
Kahit anong himbing ng pagtulog
Walang hindi mabubulabog

Kahit simpleng tahanan
Ito'y piliting makamtan
Upang pamilya'y may kanlungan
Sa araw araw na nagdadaan

3 comments:

  1. Isa sa mga lumalaking problema ng ating bansa, ang lumalalang kahirapan. Wala na kayang pag-asa na makabangon sa ganitong klase ng sitwasyon? Ang tulang ito'y nakakapagpamulat sa mga mambabasa sa katotohanan na kinakaharap ng Pilipinas nating mahal.

    ReplyDelete
  2. Isa sa suliranin ng ating bansa, mga taong ito'y pinipiling mamuhay sa gilid ng daan dahil sila'y walang mauuwian. Paano nga ba ito masusulusyunan ng ating gobyerno? Kailan nga ba makakaahon sa kahirapan itong ating bayan? Isang tulang magpapamulat sa kaganapan sa ating lipunan :)

    ReplyDelete
  3. Ang galing ng tula. Madami at dumadami sila sa lansangan sana matulungan sila :(

    ReplyDelete