Nasaan ka na?
akda ni Catherine Algario
Panahon ng kamusmusan nang kita'y nakilala
Mga alaalang masaya sa ilalim ng punong mangga
Batang naglalaro na parang walang problema
Musmos na kaisipan, init ay di alintana
Sabay tayong nangarap sa ating paglaki
Kasama sa hinaharap mga bituing minimithi
Nakaupo sa punong mangga, ang munti'y nakangiti
Nagtatawanan, naghahagikhika't nakangisi
Ngayon ako'y malaki na at matagumpay
Muling bumalik sa lugar, sa tabi ng lumang bahay
Maraming nagbago, nasira't tumamlay
Ang lugar na dati ang saya'y walang humpay
Kasabay ng pagkawala ay ang paglaho ng mangga
Puno na dati'y tampulan nating dalawa
Ngayo'y naglaho na pati ang dating saya
Marahil dahil wala ka na, Sinta nasan ka?
Ang galing talaga oh! :))
ReplyDeleteWalang permanente sa mundo kung di ang pagbabago, :)
ReplyDeleteIsang istoryang napagkasya sa isang tula. Magaling ang paglalahad at pati ako'y sobrang naapektuhan. I can relate sooo much kaya ang sakit. Tunay na masayang mamuhay noon, sabay na nangangarap kasama ang 'yong kababata. Ngunit once na mag-iba na ang direksyon mo sa buhay, patuloy na mag-iiba ang daloy ng mga bagay sa iyong mundo. Indeed, wala talagang permanente sa mundo kundi pagbabago. :(
ReplyDelete