Lazada

Thursday, March 13, 2014

Bagsik ng Kalikasan ni Christine Joyce Cortez

Bagsik ng Kalikasan
akda ni Christine Joyce Cortez

Bagsik ng inang kalikasan
lubos na nating nararanasan
hindi na kailangan magsisihan
dahil tayo ang gumawa at dahilan

lindol unos o mga bagyo
na madalas sa atin bumayo
nandito kaman o sa malayo
mga dinanas manatiling na katayo

isang madalas na trahedya
Maykapal ano ang iyong sadya
bakit lagi kami ang natataya
kaligtasan ikaw ay aming inaaya

Panginoon kami ay pinanghihinaan
walang makain at pangkabuhayan
saan na kami kukuha ng pagkakakitaan
galit mo sa amin ito ba ang kabayaran ?

7 comments:

  1. Magandang tula na sumasalamin sa mga kasalukuyang pangyayari sa ating bansa.Tayo rin naman ang dahilan ng ating mga paghihirap dahil ating inabuso natin ang kalikasan.

    ReplyDelete
  2. Very Good~ Pero hindi ito galit ni Papa Jesus >< Pagsubok lang ito.

    ReplyDelete
  3. Napapanahon ang tulang ito at tamang-tama ang mensahe. Panahon na upang magising ang bawat isa sa tunay na nangyayari sa ating kapaligiran. Di kayamanan ang magpapahaba ng ating buhay dito sa mundong ibabaw kundi ang pagmamahal at pag-aalaga sa kalikasan sapagkat kapag kalikasan na ang naghiganti, paniguradong lahat tayo ay lagot na. Mayaman man o mahirap di kayang labanan ang bagsik ng kalikasan.

    ReplyDelete
  4. Magaling! Marami ng unos at sakuna ang pinagdaanan ng ating bansa ngayon. Nawa'y magkaroon pa rin ng positibong pananaw ang mga Pilipino sa pagharap sa mga darating pang araw. Para sa akin, kailanma'y hindi nagalit ang Panginoon sa atin.Sa Kanya tayo humugot ng lakas ng loob. Hindi Niya tayo pababayaan.

    ReplyDelete
  5. Napakagandang tula! Anumang unos ang dumating sa ating buhay, matuto tayong tumayo at gawin muli ang misyon natin sa buhay :)

    ReplyDelete
  6. Nararapat nating pangalagaan ang lahat ng ipinagkakaloob sa atin. Huwag din tayong basta-bastang sumuko sa mga pagsubok. :)

    ReplyDelete
  7. Kaya dapat na pangalagaan ang kalikasan upang sa darating na kasalukuyan, tayo'y may pagkukuhanan at hindi na gaanong mahihirapan.

    ReplyDelete