Lazada

Sunday, March 16, 2014

Pangarap Lang Kita ni Joy Ann Baracena

Pangarap Lang Kita
akda ni Joy Ann Baracena
 
Sinisipat kahit sa malayuan
Gumagawa ng paraan upang ika’y masilayan
Iba na talaga itong aking nararamdaman
At wag sanang tangkaing ipagtabuyan
 
Inisip kita ng walang humpay
Tinanong sa sarili kung ikaw ba’y tunay
Nagtaka at nakaramdam ng lumbay
Oh aking mahal, Wag sanang mawalay
 
Mga bagay na naiintindihan mo na ang dahilan
Ngunit hindi mo parin maiwasang masaktan
Mahirap mang tanggapin at ipagpilitan
Kailangan lang unawain at magkunwaring natauhan
 
Pangarap man itong aking pinangangalandakan
Alam kong balang-araw iyong pakahahalagahan
Bawat sinambit na katagang pinaghirapan
Ang pagpapakatanga sayo’y aking sinubukan

19 comments:

  1. Iba na talaga ang nararating ng pagmamahal.Marami ang nasasaktan. Haha.

    ReplyDelete
  2. ganyan siguro talaga pag nagmahal... walang kasiguraduhan kung mamahalin ka pabalik... isipin na lamang na may mas higit pang darating

    ReplyDelete
  3. Pag-ibig nga naman, hahamakin ang lahat mapasunod ka lamang. Hahaha

    ReplyDelete
  4. Pag nagmahal talaga, di maiiwasan na sumugal ka. Pwedeng manalo, pwedeng matalo. Di naman nawawala yan eh.

    ReplyDelete
  5. hindi masamang mangarap, hindi imposibleng ito'y makamtan hahaha

    ReplyDelete
  6. Isa sa dahilan kaya tayo nabubuhay ay para magmahal. Kaya hindi dapat katakutan ang pagmamahal. :)

    ReplyDelete
  7. Masarap magmahal. Minsan ay naglalaro pa tayo ng tanga-tangahan at balang araw atin itong tatawanan. =)

    ReplyDelete
  8. magandang tula :")) mabuti na ang magmahal ng minsan at nasaktan kaysa hindi kailanman

    ReplyDelete
  9. Ang umibig ay isa sa mga pinaka masayang mararamdaman ng isang taohabang siya'y nabubuhay ngunit dapat nating tandaan na hindi lahat ng pagkakataon ay tayo'yiibigin ng ating iniibig.:)

    ReplyDelete
  10. Ika nga nila, isa sa mga masasayang pakiramdam ay ang umibig. Pero ang masakit ay yung wala siyang alam o di kaya'y di niya ramdam. Tagos sa puso ko ang tulang ito kasi ito ang perpektong naglalarawan ng aking mga kabiguan sa pag-ibig. Arte ko noh? Haha! Pero normal lang ang mangarap sa pag-ibig. xD Hintay hintay nalang tayo ng love story na para talaga sa atin kasi yun ang the best, tayo and bida dun eh. hahaha xD

    ReplyDelete
  11. Napakasarap umibig ngunit may kaakibat na sakit :'( LOnely. Galing ng gumawa nito. tinamaan ako.. :)))

    ReplyDelete
  12. Idol..mabuti ang umibig ng minsan,,kesa ndi mo maranasan..

    ReplyDelete
  13. One-Way-Love, kahit sabihin nating masarap per mahirap dahil walang bumabalik, puro bihay. May dadating padin para sayo. Maghintay ka lang kapatid :)

    ReplyDelete
  14. Kung makahahanap ka ng taong nagmamahal sa'yo, mas madali, mas magaan...

    ReplyDelete
  15. Wag mag madali sa pag-ibig, darating din naman yan :)

    ReplyDelete
  16. Natamaan ako dito aa haha. Parang ako lang nung high school kaso di ko talaga nasubukan, hanggang pangarap lang talaga. Torpe ako noon ee hehe

    ReplyDelete
  17. Tumimo talaga saking isipan ang uling dalawang talata. Nakakatuwa ka ate. Makatotohanan at may buhay ang emosyon. God bless sa'yong pangangarap. :)

    ReplyDelete
  18. May mga pangarap na makakamtam at may mga pangarap namang hanggang "sana" na lang. Mabuti't ikaw ay nagpakatanga sa isang taong walang pagpapahalaga. Ngayon sana'y natuto ka na, sa pag-ibig hindi laging puro saya. Hayaan mo iha, ika'y makakahanap ng iba. At itong taong to'y sa iyo'y tunay na magpapasaya. Iwanan na ang mga taong walang alam sa iyong idinaramdam, pagka't sayang ang oras na ginugugol sa isang taong nagpapaka-ulol (sorry sa bad word hihi)
    Nag-ffeeling makata,
    Alex

    ReplyDelete
  19. ang sarap talga mainlove :) magandang tula, nakakarelate ako :D

    ReplyDelete