Lazada

Sunday, March 16, 2014

Ligaw-tingin ni Catherine Algario

Ligaw-tingin
akda ni Catherine Algario


Tanaw sa malayo tunay mong ganda
Likas na dilag, maningning mong mga mata
Paghanga sayo'y di maiiwasan
Ipagbunyi ang araw na kita'y nasilayan

Mula sa malayo, tanaw yaong ngiti
Tunay at matamis, walang halong pighati
Mga matang namumungay tulad ng bituin
Nagniningning sa langit, liwanag sa dilim

Mula sa malayo kita'y hinahangaan
Sa payak mong katauhan, ako'y tinamaan
Taglay mong kagandaha'y di pangkaraniwan
Na di mo batid, di mo nalalaman

Pinagbigyan ng tadhana na ika'y malapitan
Lalo pang nabighani nang ika'y matitigan
Sinimulan sa ngiti hanggang sa pagkakaibigan
Kuwento ng pag-ibig akin nang sisimulan

15 comments:

  1. Nahihikayat ang mga mambabasa na tapusin ang tula.

    ReplyDelete
  2. Babae ba ang nagsulat nito? :O Amazing! :)

    ReplyDelete
  3. Makulay ang kanyang buhay paghanga :)

    ReplyDelete
  4. Kwentong pag-ibig, kay sarap pakinggan :)

    ReplyDelete
  5. ASTIG! Napakasarap ng ganitong pakiramdam :D

    ReplyDelete
  6. Napakagandang akda ukol sa pag-ibig! :))

    ReplyDelete
  7. magandang tula :")) pag-ibig <3

    ReplyDelete
  8. Napakagandang akda.:) talaga nga namang nakokontento tayo sa mga simpleng bagay lang. kahit pagsuyap lang nakokompleto na ang araw. :)

    ReplyDelete
  9. Tula pra sa mga umiibig! galing galing! :)

    ReplyDelete
  10. kwentong pag-ibig :) nakakatuwa

    ReplyDelete
  11. nakatutuwang kuwento na masasabing umiibig nga ito. nakakamiss ang ganitong pakiramdam.

    ReplyDelete
  12. Hindi ko inakalang babae ang makapagsusulat ng gantong mga linya. Nakakatuwa sapagkat naipahayag nya ng kawili-wili ang nais nyang iparating. :)

    ReplyDelete
  13. Magaling ang pagkakalahad. Maganda ang mga salitang ginamit. At kahit na ito ay gawain ng mga lalaki, nailahad pa din ito ng tama kahit na babae ang sumulat :)

    ReplyDelete
  14. Magaling ang may-akda, maayos at malinis. Nakakakuha ng atensyon! :)

    ReplyDelete