Lazada

Sunday, March 16, 2014

Bayan naman !! ni Catherine Algario

Bayan naman !!
akda ni Catherine Algario
 
Tapos na ang akda na para sa sarili
Mga usaping pag ibig,tagumpay o sawi
Kasama ng panulat, pahina’y ihawi
Damdaming nag aalab ay hindi mapapawi

Sa gitna ng ilusyon, reyalidad ay uusbong
Tama na ang puso, oras na ng pagbangon
Yakapin ang panahon, umikot gaya ng gulong
Sa bansang sinilangan, araw ay uusbong

Palayain ang sarili sa dating kulungan
Tanawin ang bayang walang kinabukasan
Tumayo, tumindig, magsimula ng himagsikan
Ipaglaban ang tama, ang dapat sa katuwiran

Kalimutan ang pansarili nang panandalian
May pag-asang dala ang araw sa Silangan
Oras na para lumingon sa pinanggalingan
Sabay sabay isigaw Katarungan para sa Bayan!!!


 


 


17 comments:

  1. Magaling! Tunay na likha ng isang eskolar ng bayan.

    ReplyDelete
  2. Ang akdang ito ay pwedeng panghikayat sa lahat. :)

    ReplyDelete
  3. Maganda ang panimula ng tula. Tama! Tama na ang lovelife, bayan naman !

    ReplyDelete
  4. Pairalin dapat ang pagiging makabayan :)

    ReplyDelete
  5. Masarap magbasa ng mga akdang para sa bayan, :)

    ReplyDelete
  6. Isang napakahusay na akda. Nararapat ring gumawa ng hakbang ang mga mamamayan. Sana ay mabasa ng ibang Pilipino.:)

    ReplyDelete
  7. Nakakalungkot na maraming tao na sariling kapakanan lamang ang iniisip. Nawa ay magsilbi itong paalala sakanila. Mahusay na akda!

    ReplyDelete
  8. magandang tula :")) nakakabuhay ng pagiging nasyonalista

    ReplyDelete
  9. Tama! Bayan muna ang unahin sa ngayon. kalimutan muna natin ang pansariling naisin. :)

    ReplyDelete
  10. nagbubukas sa ating isipan na hindi lamang ang ating sarili ang isipin, kundi pati na rin ang ating bayan.

    ReplyDelete
  11. Mahalin ang bayan. Huwag puro sarili :)))))))))))

    ReplyDelete
  12. Tama.. dapat ipaglaban ang ating bayan higit kaninuman. :)

    ReplyDelete
  13. sang ayon ako :)
    dapat din tayong tumingin sa realidad

    ReplyDelete
  14. sang ayon ako :)
    dapat din tayong tumingin sa realidad

    ReplyDelete
  15. Nakakatuwa na kahit sobrang layo na ang agwat ng panahon mula ng magkaroon ng kalayaan ay may mga tao pading nakakaisip sa bayan. Bayan muna bago ang lahata :)))

    ReplyDelete
  16. marapat lamang talaga na tayo'y lumingon sa pinanggalingan at bigyang-pansin ang ating bayan.

    ReplyDelete
  17. Saludo ako sayo. :) Tama ka, nararapat lamang na maglaan tayo ng oras para sa bayan, para suriin at pag-isipan ang tunay na kalagayan ng bansa natin. Hindi man tayo makagawa ng bagay na makakatulong sa bansa dahil sa edad natin ay ang pagiging mulat naman sa bansa ay pwede nating gawing inspirasyon upang maging umpisa ng pagbabago sa kasalukuyan sa ating sarili at sa ibang tao.

    ReplyDelete