Lazada

Thursday, March 13, 2014

Hintay ni Louisa Garinga

Hintay (ni Louisa Garinga)
Bakit tila ang tagal,
Kapag ako'y naghihintay.
Oras na kay bagal
Parang di na gumagalaw.


Ako'y bagot na bagot,
Naghahanap ng sagot
Anong pwedeng gawin?
Di na ako mapakali.


Lahat ay nagawa ko na
Ang makinig sa musika,
Magteks sa iba,
Pati gumawa ng tula.


Bakit wala ka pa din?
Anong oras na, iho?
Di na kita hintayin.
Mauuna na ako.

10 comments:

  1. maganda ang tula :)
    ipagpatuloy ang magagandang akda

    ReplyDelete
  2. Maganda ang mensaheng ipinaparating!
    ipagpatuloy (:

    ReplyDelete
  3. May hugot ang tula, tila base sa totong karanasan.

    ReplyDelete
  4. Isang napaka galing na tula.Nakakarelate ang mga magbabasa.

    ReplyDelete
  5. isang tula na maaaring ihandog sa mga taong mainipin

    ReplyDelete
  6. Mahirap talagang mag-hintay lalo na't kapag ang taong hinihintay mo ay hindi na maari pang dumating sayo. </3

    ReplyDelete
  7. Maraming tao ang maaring maka-relate sa tulang ito isa na ako dun. Magandang tula,

    ReplyDelete
  8. Mahirap mag-antay lalo na kung yung inaantay mo ay hindi naman sisipot

    ReplyDelete
  9. Sana ay tineks mo rin siya para malaman kung pupunta pa nga ba. XD.

    ReplyDelete
  10. Napakagandang tula. hindi ko alam kung bakit pero napaisip at naka relate ako ng husto. Matutong magsabi kasi kung pupunta pa ba o hindi na. xD

    ReplyDelete