akda ni Shaina Nicole Osuna
Hindi ba at ang saya makakita?
Ng matatamis na ngiting nagmula sa bata
Panay na laro lamang ang alam
At pati paghahabulan ay kanilang ipapaalam
Ngunit bakit ganito na ang sitwasyon
Ang mabuhay sila ipinagkakait na ngayon
Hindi na sila nabigyan ng pagkakataong
Magtuto, magtuklas at mabigyan ng baon
Bakit nga ba ito ay nangyayari?
Tila dami ng abortion ay dumarami
Nabubuntis ng hindi sinasadya
Nagiging magulang ng hindi pa handa
Ito ay talagang dapat ng iwasan
Dahil ang abortion ay malaking kasalanan
Sa Diyos Amang nagbigay ng buhay
Ngunit iyong ipinagkait at para na ring pinatay
Isang tulang nagpapakita ng isang katotohanan. Maraming tao ngayon na gumagawa ng mga bagay na hindi manlang pinag-iisipan ang mga responsibilidad sa isang aksyon. Hindi dapat ipinapapatay ang mga batang ni hindi pa naisisilang, o itapon na lamang kung saan pag hindi nila kayang pangatawanan. Ang mga batang ito ay nagmula sa bahagi ng ina at binigyang buhay ng Manlilikha. Isang malaking insulto at kasalanan ang pagpatay sa isang inosenteng buhay. Ito ay pagpatay din sa sarili.
ReplyDeleteAyos tong tula na ito,
ReplyDeletesobra akong nagandahan.
Ipinapakita nito ang pagtutol sa aborsyon, Ipinapahiwatig din dito na dapat mahalin at bigyang atensyon ang mga anak upang hindi ito mapariwara o maagang mabuntis/ makabuntis at pagmamahal din ang isukli nila sa kanilang magiging anak.
ReplyDeleteisang tulang nagsasabing lahat ng tao ay may karapatang makatungtong at makita ang kagandahan ng ating mundo
ReplyDeleteAng tulang ito ay nagpapa-alala lang na sa realidad marami pa rin ang pinagkaka-itan ng karapatang pantao.
ReplyDeleteNapakaganda ng mensahe ng tula, nawa'y makatulong ito upang maimulat ang lahat sa problemang kinahaharap ng lipunan
ReplyDeleterealidad ng buhay.. iyan ang ipinapakita ng tula.. ipinapakita na dapat pahalagahan ang buhay lalo na iyong hindi pa ipinapanganak sa mundo dahil kahit anong mangyari ay may karapatan din silang mabuhay..
ReplyDeleteDapat ay binibigyan ng karapatan ang mga bata,. iparanas sa kanila ang pantay-pantay na pagtingin sa ating lipunan.
ReplyDeleteAng aborsyon ay isa sa mga laganap sa kasalukuyan. Ito ay isang gawi na taliwas sa kautusan ng Diyos pagkat ito ay isang uri ng pagkitil ng buhay. Sana mabasa ang tulang ito ng marami pagkat ito ay magigging daan upang mamulat sa maling gawi ang mga tao na gumagawa ng bagay na ito.
ReplyDeleteUnang una sa lahat, mali ang premarital sex. Mali na nga ginawa mo sa una, gagatungan mo pa ng isang pagkakamali, at iyon ay ang patayin ang naging bunga nun. Kakaiba na kasi ang daloy ng utak ng mga kabataan ngayon. Imbes na mag-aral, puro ganyan nalang iniintindi. Nasaan na ang mga conservative na Pilipinang tinutukoy ng iba?
ReplyDeleteHindi naman sila pinagkaitang mabuhay sa mundo, ano ang karapatan nilang gawin yun diba? Kung ayaw magkaroon ng anak na tinaguriang 'aksidente' o 'di-inaasahan' aba'y mag-aral nalang teh. Mas maganda pa ang mangyayari sa buhay mo.
So yun, nakalimutan ko tuloy yung sasabihin ko sana. Haha.
ReplyDeleteDapat na mabasa ng nakararami ang mga ganitong klase ng tula, tula na magmumulat sa realidad at masamang nangyayari sa lipunan natin sa kasalukuyan. Kailangan ipagpatuloy ang paggawa ng mga akdang tatatak sa isipan ng mga tao at magbibigay sa kanila ng realization kung ano ang nararapat na gawin. That's all thank you. Wala na akong ibang ma-say. xD
Kaawa-awa ang mga paslit na dapat sana'y nabubuhay ngayon at malayang nakikita ang ganda ng mundo at nakagagalaw dito. Wala silang kasalanan ngunit ang karapatang mabuhay ay ipinagdadamot ng mga magulang nila.
ReplyDeleteMahusay na akda! Hindi talaga kayang baguhin ng isang tao ang iba. Kusa nilang malalaman sa sarili nila ang hakbang na dapat nilang gawin upang magbago.
ReplyDelete