Tagumpay Ba'y Laging Nasa Himpapawid?
ni Arvin C. Manhangin
Isang pangarap na mahirap abutin
Isang mithiing laging nabibitin
Kaya pagkakataon aygrabe kung sulitin
Wala nang pakialam buto may banatin
Padalus-dalos man ang desisyon
Isip at puso nama'y puno ng determinasyon
Para sa pamilya na kanyang inspirasyon
Paglipad salangit nakikitang solusyon
Mga dayuhan ang napiling paglingkuran
Sariling bayan ay mukhang tinalikuran
Bagong bayani nga ba ay dapat tularan?
Kung tiwalang uunlad ang bayan ay tinalikuran
Sa ibang bansa nga lang ba?
Walang kakayahan nga ba ang bansa?
Pero pagdating ng oras na ginahasa
Sa sariling bansa ka pa rin magpupunta
Pamilya ay Pamilya
March 5, 2014 at 3:13am
NI: Arvin C. Manhangin
Isang pamilya
Dalawang magulang
Tunay na nagmamahalan
Sa iisang bahay sila nagsasama
Isang magandang biyaya
Pagkakaroon ng isang anak
Pero labing dalawang anak
Ay labis na biyaya at responsibilidad
dapat panatilihin buo sa puso
Dahil ito ang pinagsimulan mo
Lahat ng ikaw ay utang dito
Tagumpay mo ay ialay rito
Mawala man sa landas
Magkaroon man ng sariling buhay
Ang dating pamilya pa rin
Ang nariyan para itaas ka
Nagliliyab na Tindahan
March 5, 2014 at 3:06am
NI: Arvin C. Manhangin
Sa bawat kanto ng kalsada
Makikita maliliit na tindahannasusunog
Naglalabas itim na usok
Dinudumog ng sinumang magdaan dito
Gamit lang ay uling
At pamaypay na panghangin
Para maitim na uling ay magbaga
Upang maluto ang kahit anong nais
Maraming taong tumatangkilik
Sa isaw, barbeque, paa ng manok
Masarap na pampulutan
Pangmiryenda'y masosolve kang tunay
Mga pagkain kontrobersyal sa lipunan
Dahil umano ito'y madumi't masama sa kalusugan
Ngunit mga tao do papipigil
Lalo na kapag naisawsaw na sa sukang may sili
Unang Taon sa Accountancy
March 5, 2014 at 2:57am
NI: Arvin C. Manhangin
Ang lahat ng ating pinagdaanan
Magbubunga na, ilang araw na lang
Isa sa apat na taon ay magwawakas na
Sa kurso nating Accountancy, di pangkaraniwan
Di pa pala magtatapos
Sapagkat summer sem pa ay humahabol
Dagdag na subject para sa atin ay tulong
Kaunting tiis pa pala kung gayon
Mga alaalang nagpaluha satin dapat manatili
Tulad ng 58 na marka sa quiz
Markang ngayon lamang naranasan
Idagdag pa ang 69 at 78 sa mga long test
Pagkakataon may tayo'y ibinabagsak
Satin dapat ay para maging wala lang
Dahil hindi pa tapos ang lahat
Sa Marso 12 pa ang huli paghahatol
Mama Mamaw
March 5, 2014 at 2:47am
NI: Arvin C. Manhangin
Sa hatinggabing paguwi
Sasalubong sayo mga matang nanlilisik
Matinding takot unti-unting babalot
Sasabayan pa ng ingay na nakapangingilabot
Yung pala'y si Inay
Na kanina pa naghihintay
Gising pa para sa simba
Ikaw lang ang makikinig
Ikaw na ang mali
Ikaw pa may ganang magalit
Kapakanan mo lang ang iniisip
Dahil kalsada ay puno ng lagim
Matutong sumunod at makinig
Sapagkat siya'y marami ng karanasan
Siya ang nakaaalam ng makabubuti
Sabi ng nila'y 'Mother knows best'
Paglalakbay ng Buhay
March 5, 2014 at 2:36am
NI: Arvin C. Manhangin
Natuto na magbasa
Maundo'y tinutuklas na
Nangangarap na para sa kanya
Nakikisama't makikisalamuha pa
Darating na mga tagumpay
Bunga ng pagsunog ng kilay
Lahat ng nais ay binibigyang kulay
Pagkat ito'y simula pa lamang ng buhay
Lahat ay para sa sarili
Paghihirap sa mga pag-ani
Para rin sa kanyang lahi
Ipagpatuloy ang buhay ng may kahati
Biglang lahat ay guguho
Sarili't lahat ng binuo
Nalugmok na kasama ang baso
Hinahanap dahilan bakit napako
Walang mapuntahan
Sapagkat walang pinupuntahan
Nariyan pamilya't kaibigan
Taga-pagtanggol mo sa kahirapan
Di mawawala ang sunog
Kung walang bomberong tutulong
Di aandar ang gulong
Kung walang hahawak ng bilog
Handa Ka Ba sa Handaan?
March 5, 2014 at 2:20am
NI: Arvin C. Manhangin
Ngiting abot langit ang sasalubong sayo
Lahat ng tao ay nagaawitan
Ang hapag-kainan ay puno ng masarap
Para sa araw na kanilang inaabangan
Ilang beses lamang kung maghanda
Para sa kaarawan, binyag o kasal man
Sa tagumpay man sadyang pinaghirapan
Lahat ay nandyan bilang taga-suporta
Isang espesyal at mahalaga pagtitipon
Lahat ng tao ay nililipon
Mapa-simple o malaking handaan man
Walang tatanggi basta imbetado
Labis na pinaghahandaan
Sapagkat nagpapakita ng kabutihan
Sa mga kapitbahay na tunay
Kulturang naitatak na sa ating bayan
Magulang Ko'y Bintana
March 5, 2014 at 2:07am
NI: Arvin c. Manhangin
May dalawang klaseng bintana
Ang isa ay malinaw
Isa naman ay malabo
Magkaiba man ng katangian pero bintana pa rin
Sa malinaw na bintana
Totoong mundo'y pinapakita
Ipinaparanas ang tunay na kapaligiran
Maganda man o pangit
Bintanang malabo naman
Paligid ay itinatago sa tao
Para na rin proteksyon
Laban sa kalupitan ng mundo
Dalawang klase sila'y ituring
Ngunit pareho lamang ang ninanais
Para sa kabutihan ng taong naninirahan
Na sila rin ang may gawa
McDO = Jollibee
March 5, 2014 at 1:56am
NI: Arvin C. Manhangin
Bata palang sa kanila'y naakit na
Pati ang pag-aaral ay apektado na
Mataas na marka sila'y makukuha
Kaya nag-aaral mabuti para sa kanila
Ang McDO labis kong minahal
Sa sundae pa lamang ay ayos an ayos na
Ipares pa sa fries na mainit at mahaba
Dahil sa kanila araw ko'y buong-buo na
Isa pa ang Jollibee
Na may malutong na chickenjoy
Itabi pa sa spaghetti punung-puno ng sauce
Di mapigilan magbabaon pa ng hamburger
Dahil sa kanila
Kabataan ko ay sumigla
Kaya dala hanggang sa pagtanda
Sila pa rin ang nagpapasaya
Sarili sa Kapwa
March 5, 2014 at 1:45am
NI: Arvin C. Manhangin
Ang bawat tao ay may kanya-kanyang pag-iisip
Di na kailangan alamin kung sino man ito
Basta dapat talagang unang unawain
Na lahat tayo ay magkakaiba ng takbo ng isip
Kung di mo uunawain
Ito'y problema sa pagitan mo at ng iyong kapwa
Dahil kung ipipilit mga sariling ideya sa sitwasyon
Dulot ay magulong usapang matira ang matibay
Subukang ilagay ang sarili sa lugar ng kapwa
Upang malaman mga maaaring epekto
Ng mga salitang lalabas sa bibig mo
Iisa ka lamang sa bilyun-bilyon
Magkakaibang isipan satin ibinigay
Upang matutong magkaroon ng pakialam sa iba
Pagunawa sa kanilay mahirap man
Kailangan ito para sa pakikisama
Pangarap Kong Matindi
March 5, 2014 at 1:28am
Ni: Arvin C. Manhangin
Sa paghahanap ng magandang palabas
Ako ay napadpad sa mga nagtatakbuhan
Na nakakuha n aking atensyon
Karera ng tao'y nakabibilib
Dito nagsmula ang interes ko
Sa iba't ibang isport
Wala man sakin ang katawan
ala naman masama sa pangangarap
Nais kong mauna sa takbuhan
Pati paglangoy gustong pasukin
Sa badminton nais makapag-smash
Makasungkit ng medalya'y inaasam
Mukhang di maaari pero posible
Makasali sa Olympics ang nais
Medalya'y para sa Pilipinas
Isang magandang tagumpay saki'y panaginip
Ugali sa Labas
March 5, 2014 at 1:15am
NI: Arvin C. Manhangin
Sa harapa ng marami
Nais natin tayo'y mabuti
Upang magustuhan ng lahat
Yan ang hinahangad
Tayo'y mga tao
Kailangan ng kakampi
Kaya barkada gusto nasa tabi
Tunay na ugali may ikubli
Di alam na sa sarili ay may mali
Sa kagustuhan ng kasikatan
Sarili ay itinago
Sa mabuting imaheng di naman totoo
Sa mundong puno ng tao
Hindi na mahalaga sino at ano ka
Siguraduhin lang na malinis ang intensyon
At magiging ayos ka sa lahat
Isang Munting Hiling
March 5, 2014 at 1:06am
NI: Arvin C. Manhangin
Isang munting hiling
Sana ako ay di magmimintis
Sa gustung-gusto kong makamit
Kapalit nito'y paghahandang di natitigil
Isang munting hiling
Sana ako'y di magkasakit
Kalusugan ko ay maging mabuti
Kapalit nito'ymasustansiyang pamumuhay
Isang munting hiling
Sana ikaw ay makapiling
Sa pagtanda tayo'y magkatabi
Kapalit nito'y tapat kong pagmamahal sayo
Sa bawat bagay na hinihiling
Walang mangyayari kung puro hingi
Ang kapalit ng bawat nais
Sakripisyo, iyong susi
Para sa Dalawa
March 5, 2014 at 12:58am
NI: Arvin C. Manhangin
Sa mga taong mag-kaaway
Na ang dahilan ay mga salitang di alam kung saan nagmula
Pagkakaibigan ay binalewala
Para sa kanya-kanyang pride na nagpapataasan
Mahirap na kapag nagsalubong
Dahil parang magsasabong
Walang pakialaman na parang wala sa mundo
Sa tindi ng away ang iba ay nadadamay na
Humingi man ng tawad
Sitwasyon di nauunawaan
Para sa taong napagsalitaan ay mahirap limutin
Kaya oras ay pagbigyan
Huwag pakasiguradong wala na talaga
Wala ka pang ginagawa kaya walang magaganap
Kung gustong ibalik pagkakaibigan
Kumilos ka't wag magparinig lang
Tubo Lang Nang Tubo
March 5, 2014 at 12:41am
NI: Arvin C. Manhangin
Puno ng Narra'y minsan tumubo
Sa gitna ng gubat puno ng kapareho
Unti-unting unuusbong mumunting puno
Hanggang sa tumayo't tumibay ng todo
Dumating ang malakas na unos
Maraming napatumba, ilan ay naubos
Ngunit sila ay nanatili sa ayos
Kahit nalahat ng dahon ay naagos
Sila'y tulad na mga taong matitibay
Nadaanan man ng bagyong nakamamatay
Lakas ng loob pa rin ay sumsabay
Sa pagragasa ng tubig na tumatangay
Lahat ng pagmamay-ari ay nawala
Maging ilan sa pamilya ay lumuluha
Nabuhay at unti-unting tatayo
Sapagkat buhay ay di pa tapos para sayo
Turo Ni Ama
January 6, 2014 at 1:20am
Ni: Arvin Manhangin
Malaking utang na loob ang maisilang sa mundo
Na mayroong ama’t inang nagmamahalang totoo
Lahat para sa kanila’y ibibigay buong puso
Lahat ng magandang bagay ay ituturo sa iyo
Ngunit nananatili ba tong pagibig na pangpamilya
Kung si ama’y mayroonng kinagigiliwang iba
Nilalaanan ng oras, ginagastusan ng pera
Bisyong kanyang sinasamba kami’y pinagpalit niya
Pagpapausok ay wala,sa paglaklak ibinuhos
Sa kanya ay pampatulog, sa amin naman ay sakit
Hindi siya natutulog at di rin nagpapatulog
Puro sakit sa damdamin puro pighati’t pahirap
Kaya naman bata pa lang alak wala nasa isip
Buhay ko’y ayaw matulad sa kanyang hindi pagunlad
Nawala pagiging ama pamilya’y naging mahina
Bisyo’y di tunay na saya, turo to ng aking ama
Pagsubok ay Para Sa Sarili
January 6, 2014 at 1:25am
Ni: Arvin Manhangin
Isang anak na nilisan ng ina
Isang matandang nilimot ng pamilya
Isang inang nawalan ng bata
Isang asawang pinagpalit sa iba
Sakit na dulot ay di malimot
Yung parang gusto mo na magpugot
Lahat ng alaala ay kumikirot
Buong mundo’y tumigil sa pagikot
Buhay ng tao’y di ganoon kadali
Problemang ito’y hindi ka pinili
Sinusubok nito katatagan ng sarili
At kakayahang bumangon muli
Sa buhay, sarili ang unahin
Sapagkat hinding hindi ka nito lilisanin
Pamilya’t kaibigan may nariyan para ika’y mahalin
Di mo alam hanggang kalian nila ito kayang gawin
Si Pangako Pako
January 6, 2014 at 1:27am
Ni: Arvin Manhangin
Patawarin mo na ako
Di na mauulit pangako
Mga salitang madalas mapako
Ng nagkasalang dapat ilagay sa sako
Ilang beses ba dapat patawarin
Sa kasalanang siya’y nagging salarin?
Pagpapatawad ba’y dapat sulitin?
Saysay ba ay di na dapat isipin?
Lahat tayo’y tao lamang
Nagkakamali rin ang magalang
Pangalawang pagkakataon ay igalang
Kaya iba’y nagpapatawad na lang
Sino man ang nagkasala
Karapatang manghusga’y wala
Pagbabago ay isang himala
Lahat tayo’y pwedeng muling magsimula
Tao Ka Pa Nga Ba?
January 6, 2014 at 1:22am
Ni: Arvin Manhangin
Puno’t halaman,bunga’t bulaklak
Tubig at araw tunayna galak
Tayo ay tuod, kaya aywala
Sariwang hanginhandog sa madla
Baka’t baboy, isda’tmanok
Tubig at dahon tunayna galak
Kaya ay kulang,salita’y wala
Karneng masaraphandog sa madla
Matanda’t bata,asawa’t anak
Pera’t materyal tunayna galak
Talino’y taglay,lahat pasado
Dumi’t polusyonhandog sa mundo
Delubyo’t bagyo parusa’tganti
Sangkatauhangmakasarili
Isipang ganid,isipang salat
Mundo’y di satin, ito’ysa lahat
Tunay Na Ikaw
January 6, 2014 at 1:11am
Ni: Arvin Manhangin
Sa iba’y maganda
Sa iba nama’y pangit
Mayroong purong kabutihan
Mayroon din namang kasamaan
Lahat tayo mayroon nito
Ngunit iba-iba sa bawat tao
Ito’y depende sa karanasan
Sa buhay na kinaginasnan
Ipakita tunay nakulay
Huwag ikubli di kaayaaya
Di masamang magpakatotoo
Sa isang mundong mapanghusga
Mabuti na mahalin ka
Sa kung ano at mayroon ka
Kesa naman sa kung anong wala
At hindi tunay na ikaw
Turo ni Ama -- nagpapakita ng pagiging positibo sa kabila ng mga pagsubok sa buhay. Ang mga masakit na pangyayaring nagaganap sa iyo ay gawing aral upang hindi tularan mo at ng ibang tao. Ngunit hindi rin dapat magtanim ng sama ng loob sa mga nakasakit sa'yo at dapat na unawain at alamin ang pinagmumulan ng isang tao kung bakit nakagawa ng bagay na hindi kaaya-aya sa pananaw mo. :)
ReplyDeletetunay na ikaw- maganda ang nilalaman ng iyong tula. makabuluhan. nagpapakita lamang na dapat tayo ay magpakatotoo sa ating mga sarili. tanggapin kung ano at sino ka. hindi na kailangan gumawa pa ng kwento o mag panggap. thumbs up! :)
ReplyDeleteSarili sa Kapwa- lahat ng tao ay may kanya kanyang pag uugali. Sa mundong ito dapat alam mo kung pano makibagay at makisama kasi kung hindi ka marunong makisama magiging alone ka lang at magkakaroon ng sariling mundo. Dapat rin open-minded ang bawat isa sa atin. Matuto tayong tanggapin ang opinion ng iba dahil lahat tayo ay may kanya kanyang pag iisip at interpretasyon sa mga nangyayari. Huwag nating pilting paniwalaan ng iba ang sarili nating opinion. Hindi rin dapat na manghusga agad lalo na't hindi naman alam ang totoong nangyari. Ang ganda ng tula kahit simple may aral :)
ReplyDeletetunay na ikaw - sumasang-ayon ako na hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo para mapasaya ang ibang tao.. ipakita mo lan kung sino ka talaga at huwag isipina ang sasabihin ng iba.
ReplyDeletePara sa Dalawa- Pride is the root of all misunderstandings ika nga. O kaya walang gustong kumilos kaya walang nangyayari. Pero may point ka eh :)) Nice work!
ReplyDeleteTagumpay Ba'y Laging Nasa HImpapawid? - maganda ang mga salitang ginamit; simple pero nakaaantig ng damdamin sapagkat meron akong tatay na nagtatrabaho sa ibang bansa :)
ReplyDeletePamilya ay Pamilya- makabuluhan at maramdamin ang iyong akda. Siyang tunay, ang ating mga magulang ay dapat nating pasalamatan para sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal na ibinibigay nila sa atin. Ano man ang mangyari sa buhay natin, ang ating pamilya ang susuporta sa atin.
ReplyDelete