Lazada

Sunday, March 9, 2014

Tunay Na Ikaw

Tunay Na Ikaw
akda ni Arvin Manhangin

Sa iba’y maganda
Sa iba nama’y pangit
Mayroong purong kabutihan
Mayroon din namang kasamaan

Lahat tayo mayroon nito
Ngunit iba-iba sa bawat tao
Ito’y depende sa karanasan
Sa buhay na kinaginasnan

Ipakita tunay nakulay
Huwag ikubli di kaayaaya
Di masamang magpakatotoo
Sa isang mundong mapanghusga

Mabuti na mahalin ka
Sa kung ano at mayroon ka
Kesa naman sa kung anong wala
At hindi tunay na ikaw

18 comments:

  1. Ang pagpapakatotoo sa sarili sa harap ng ibang tao ay talagang mas maigi at karapat-dapat, bukod sa wala kang dapat itago, mas maipagmamalaki mo rin kung ano ka at ang tunay na ikaw :)

    ReplyDelete
  2. Ang naturang akda ay tunay na makahulugan. Mas masaya nga talaga sa pakiramdam kung matatanggap at mamahalin tayo sa tunay nating pagkatao at hindi puro pagpapanggap lang. Masarap mabuhay ng malaya at mapayapa.

    ReplyDelete
  3. iilan lamang sa panahon ngayon ang nakakaalam ng tunay na kahulugan ng kagandahan, sa loob at labas lalo pa't lalaki ka. Napakagandang likha. Nawa'y lahat ng tao kapareho mo mag-isip.

    ReplyDelete
  4. Napakagandang akda. Dito mauunawaan na dapat mahalin ang tunay na likha ng Panginoong Maykapal, kailangang mahalin ang sarili upang mas mapalago pa ang kanyang buong katauhan at malaman pa ng mas nakararami na hindi tayo pantay-pantay sa kulay man o katayuan sa buhay.

    ReplyDelete
  5. Isang napakahusay na akda. Hindi kasi lahat ng tao nakakaranas ng ganap na pagtanggap sa lipunan. Mayroon yung iba na pilit nakikibagay pero pag tatanungin ay halos di na makilala ang sarili nila. Tunay na napakasarap sa pakiramdam yaong may nagmamahal sayo kung sino ka. Tinanggap ka nila sa kabila ng nakaraan/nakalipas mo. Nakakagalaw ka ng malaya ng hindi iniisip ang sasabihin ng mapanghusgang mata ng lipunan.

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. Bravo! Magaling na akda! ipinapakita nito na dapat na mahalin ang sarili sa kung ano ka at huwag ikakahiya ang iyong ugali sapagkat kahit anong mangyari, ikaw pa rin yan. Ano man ang mapagdaanan mo sa buhay dapat ay maging natural ka hindi iniaangkop ang sarili sa gusto ng ibang tao. ilabas mo kung ano ang tunay na ikaw hindi yung itinatago mo para sa kagustuhan ng iba.

    ReplyDelete
  8. Lahat tayo ay may roong kalakasan at kahinaan. Kung tatanggapin natin ang ating mga taglay na katangian at kilalanin ang sarili, tunay tayo na uunlad ay maipapakilala ang sarili sa mundo at hindi mawawala sa kung sino tayo.

    ReplyDelete
  9. Magaling magaling ... ang ganda ng meaning ng tula, sinasabi lang dito na kung ano ka yun ka kaya wag mo ikahiya sarili mo at itago ang tunay na ikaw bagkus ilantad mo to at ipagmalaki mo... sabi nga sa kanta Ituloy mo Lang "At kahit na ano pa ang gusto mo
    Basta wala ka bang tinatapakan na tao,
    Ituloy mo lang ito!
    Ang mahalaga ikaw ay masaya
    ‘Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba,
    Sila ang may problema!"

    11/10 stars for you... :)

    ReplyDelete
  10. Thumbs Up! Di mo naman kailangan kasing pakinggan yung iba eh. Magpakatotoo lang, siguradong tatanggapin ka nila.

    ReplyDelete
  11. Huwag magbago para sa ibang tao! Hayaang matanggap kanila kung ano ang tunay na ikaw

    ReplyDelete
  12. Huwag magbago para sa ibang tao! Hayaang matanggap kanila kung ano ang tunay na ikaw

    ReplyDelete
  13. Kung nais mong magbago ay gawin iyon para sa sarili mo, hindi para magustuhan ng ibang tao.

    ReplyDelete
  14. Ganap na malaya ang mga taong totoo sa kanilang mga sarili :)

    ReplyDelete
  15. Totoo! Ikaw ay ikaw, walang ibang makagagaya. :)

    ReplyDelete
  16. tama tama. Mas magandang mahusgahan sa pagiging totoo kesa ang purihin sa isang pagbabalat kayo :)

    ReplyDelete
  17. maganda ang iyong akda, tunay ngang sa atin dapat magsimula ang pagtanggap. Kapag alam natin kung sino tayo at mahal natin kung anong meron tayo mas madali tayong mabubuhay, hindi nag papanggap at walang tinatago. Mas magaan ang pakiramdam kung totoo tayo sa ating sarili. :)

    ReplyDelete
  18. Tama! Dapat hindi natin itago sa ibang tao kung sino talaga tayo—eh ano naman kung ganito ang ugali natin, kung may onting kasamaan o kaartihan tayo sa buhay? Sa pamamagitan ng pagpapakatotoo ay malalaman natin kung sino ang tunay na tatanggap at tunay na magmamahal sa atin. Dahil nga ayon kay Victor Hugo, "The greatest happiness of life is the conviction that we are loved, loved for ourselves, or rather, loved in spite of ourselves." ♥

    ReplyDelete