Lazada

Sunday, March 16, 2014

Korona akda ni Joy Ann Baracena

Korona
akda ni Joy Ann Baracena
 
Pangarap na matayog nais makamtan
Reyna ng kagandahan at kasikatan
Kapalit man nito ay ang masaktan
Pagdadalawang-isip di sinubukan
 
Lugar ng kasalanan at kasalatan
Marangyang korona at kayamanan
Pamilyang mahal kinalimutan
Humantong man sa kamatayan
 
Kung ang pagsuot ng koronang ito
Ang magpapabago sa mundo ko
Siguro'y di pa handa sa ginugusto
Ipagpapaliban, masakit man sa puso
Alang-alang sa sarili, irerespeto
 
Puno ng makikintab na palamuti
Kumikinang tulad ng isang bituin
Koronang pinapangarap abutin
Lungkot kapalit ng bawat ngiti
Mabigat na responsibilidad ididiin




9 comments:

  1. Kung pangarap mo iyan, ituloy mo lang! Makukuha mo ang koronang inaasam-asam mo!

    ReplyDelete
  2. Basta't wag kalimutan ang mga tumulong sayo makamit mo man yang korona na yan ! ;)

    ReplyDelete
  3. Tiwala lang. Makakamit mo din ang korona na yan. :)

    ReplyDelete
  4. Magsipag at magtiwala, yan ang iyong magiging sandata para makamit ang koronang iyong inaasam

    ReplyDelete
  5. Gawin mo lahat ng makakaya mo, makukuha mo rin ang koronang nais mong maabot. :)

    ReplyDelete
  6. ang ating mga pangarap ay ating ilaw sa buhay

    ReplyDelete
  7. nakaka inspire :))) lalo akong ginanahan upang makamit ko ang tagumpay :)

    ReplyDelete
  8. Hindi masamang mangarap, mas maganda kung sasamahan ng kilos para matupad mo yang pinapangarap mo :)

    ReplyDelete