akda ni Jelly Beltra
kanina pa tulala,para sa aking tula
wala kasing maisip na magiging paksa
nais ko sana,kayo'y mapahanga
ngunit iyon ay tila imposible ata
ako ay lutang pasensya na
utak ko ata ay nagagala
nilulumot,hirap gumana
teka ako ba ay may problema?
ano? kayo naba ay nagagambala?
sa mga sinasabi kong patutunguhan ay wala?
ngunit bakit patuloy ang iyong pagbabasa ?
sa tula kong kay hirap makuha?
ang tulang ito'y matatapos na
biruin mo yun iyong nakaya?
o siya gawain ay tapusin mo na
habang utak mo ay gumagana
Tunay ngang sa anumang panahon ay kusang lumalabas ang kasiningan ng bawat isa, kahit pa sa mga oras na tingin mo ay hindi mo na kayang gumawa ng isang obra maestra. Pinatutunayan lamang nito na walang pinipili sa paggwa ng tula, dahil sa pamamagitan nito, ating naibabahagi ang anumang nararamdaman o pinagdadaanan, na sana nama'y nakapagpapagaan sa ating dalahin sa buhay. Yun lamang
ReplyDelete