Lazada

Thursday, March 13, 2014

Oras ni John Cedrick M. Dimayuga

Oras
akda ni John Cedrick M. Dimayuga

Isang mapaglarong elemento
Kasinghalaga ng pinto
Dapat ay pinahahalagahan
At di dapat sinasayang

Madaling lumipas ang bawat minuto
Di mo mararamdaman ang pag-andar nito
Lalo na kung ang pakiramdam ay masaya
Parang isa lamang kisap-mata.

Oras ay sadyang mapang-asar
Kapag hinihintay ay mabagal ang andar
Kung ikaw naman ay maligaya
Di mo namamalayang kay bilis pala.

Iyong bigyan ng importansya
Bawat segundong iyong nakikita
Sapagkat ang galaw ng oras ay mahalaga
Di na maibabalik kahit mawala ka pa.

6 comments:

  1. makabuluhan at maganda ang nilalaman ng iyong tula. tunay nga na mahalaga ang oras. kaya't dapat iitong pagkaingatan.

    ReplyDelete
  2. Totoong napakahalaga ng oras. Mapaglaro at hindi mo mahulaan. Kaya dapat talagang ito ay pahalagahan. Tama ang iyong sinabi na "Di na maibabalik kahit mawala ka pa"

    ReplyDelete
  3. Mahusay Mahusay Mahusay! Napaka galing! Ika nga nila, Time is gold. XD

    ReplyDelete
  4. Nararapat pahalagahan ang oras sapagkat hindi na ito maibabalik. :)

    ReplyDelete
  5. Napakagandang mensahe.Oras ay hindi humihintoni hindi umuurong kaya naman pahalagahan ito dahil ito'ybilang na. xD

    ReplyDelete
  6. magandang akda. nagbibigay ito ng pagpapahalaga sa bawat segundong dumaraan. naiparating na dapat gawing makabuluhan ang bawat oras.

    ReplyDelete