akda ni Nicole Franz Pastor
Kapag ang mundo ko'y parang guguho
ikay nariyan pa rin sa tabi ko
sa buhay aking tagapagturo
parang isang dakilang guro
sa panahon ng aking kahinaan
sa iyo ako humuhugot ng katatagan
pag pagasa ay parang nawawala na
ika'y nariyan pa rin aking ina
lahat ng pagsubok kaya kong lagpasan
dahil lagi mo akong ginagabayan
sa akin palagi kang nakaalalay
tunay na tanglaw ng king buhay
buong pagmamahal iyong ibinibigay
walang pagaalinlangan mo itong inaalay
simula pa lamang ng ako ay magkamalay
pagmamahal mo'y nagbigay kulay sa aking buhay
nais kong magpasalamat sa iyo
dahil inalagaan at pinalaki mo ako
hindi ko man ito palaging maipakita
ngunit ina tunay na mahal kita
This~ Dama ko to <3 Sana nga lang pati yung mga Nanay ramdam din yung paghihirap nung mga anak nila. Well, di ko naman nilalahat *peaceyow*
ReplyDeleteGusto ko ito! Bihira yung makita ng mga anak yung paghihirap ng mga magulang at yung totoo nilang pagmamahal. Dramakow! :PP
ReplyDeleteDahil sa tulang ito, namimiss ko tuloy si mama. Salamat sa tula naalala ko na mahal ako niya ako at ako din sakanya mahal ko siya higit pa sa anumang bagay sa mundo =)))
ReplyDeleteAng tulang ito ay nagpa-alala sa aking Ina na nasa Bataan. Datirati sya lahat ang gumagawa para sa akin ngunit ngayon kailangan kong mag-isa at matuto para sa aking pag-aaral. Nami-miss ko na ang aking Ina :'(
ReplyDeleteItong tulang ito ay puno ng emosyon at pagmamahal. Tunay ngang malaki ang sakripisyo ng bawat INA sa kanilang mga anak. :)))
ReplyDeleteMagaling! Tunay nga na ang pagmamahal ng isang ina ay hindi maipapaliwanag. Mabuhay ang mga ilaw ng tahanan!
ReplyDeleteAng ating ina ang isa sa pinaka-malaking biyaya ng Diyos sa ating buhay :)
ReplyDeleteAng GALING. Naalala ko ang akin ina na malayo sa akin ngayon pero ang pagmamahal nya ay lagi kong nararamdaman sa araw araw at ang pagpapaalala nya sa akin ng mga bagay na dapat kong gawin ay hindi nya nakakalimutan. The BEST talaga ang mga ILAW ng tahanan. :)
ReplyDeleteMabuhay ang mga ilaw ng tahanan! :))
ReplyDeleteNapakaganda ng iyong akda! Ipinakita mo tunay na pagmamahal ng ina sa mga anak at kung paano nila tayo inalagaan,inunawa,ginabayan, pinagtangol sa mga panahong Hindi natin maunawaan ang mga bagay sa paligid natin. Salamat sa maganda mong akda!
ReplyDeleteIpinapaalala nito na ang ating ina ay hindi basta basta, na dapat ay lagi nating pahalagahan at pakitaan ng pagmamahal!
ReplyDeleteMahusay! :) Mabuhay ang mga INA, ANG ILAW NG ATING MGA TAHANAN.
ReplyDeleteKaya mas minamahal ko ang aking ina araw-araw dahil sa mga katangiang sila lamang ang may kakayahang magtaglay at magpamalas.
ReplyDeletePagpupugay para sa mga DAKILANG INA! ^_^ Malugod kong sinasang-ayunan ang iyong tula at binabati ko ang iyong kagalingan sa pagpapahayag subalit nawa'y bigyang pansin din ang capitalization, usage of hyphen and apostrophe at punctuation mark. Salamat! God bless po.
ReplyDeleteTinulungan ako ng akdang ito na mas lalong pahalagahan ang aking ina. Salamat!
ReplyDeleteSalamat sa may gawa. Mas lalo ko narealize kung gano ako kaswerte sa mama ko <3 damaaaa
ReplyDelete