Lazada

Sunday, March 16, 2014

Mas Marami, mas masaya ni Joy Ann Baracena

Mas Marami, mas masaya
akda ni Joy Ann Baracena
 
Panibagong kwento ng kaibigan ko
May kapangalang artista, ang apelyido’y Cosio
May magandang ugaling magugustuhan mo
Tiyak yan, ako’y makasisigurado
 
“Ilan na bang lalaki ang naging jowa mo”?
Pag magkasama tayo’y binibiro ko
Lagpas sampu, niRerealtak mo
Sa aki’y wag magalit pagpasensyahan mo
 
Mabait ka, talagang maganda
Mapagbigay, shutay-tomi minsan
Kaloka, iba kang kasama
Bestfriend pa nga kita diba?
 
Iyakin, pero masarap kung yakapin
Payatot, pero masarap kung mahalin
Lahat ng problema kakayanin
Basta sama-sama lahat gagawin

15 comments:

  1. Magandang deskripsyon ng tunay na pagkakaibigan.

    ReplyDelete
  2. Pakilala naman ng iba pang maraming kaibigan! :) Ika nga, the more, the merrier! :))))

    ReplyDelete
  3. Ang tunay na magkaibigan, matapos ng negatibong salita biglang lalagyan ng positibo <3

    ReplyDelete
  4. Kaibigan, tunay na biyaya sa ating buhay kaya ito'y dapat ingatan :)

    ReplyDelete
  5. Ating mga kaibiga'y nararapat lamang pahalagahan :)

    ReplyDelete
  6. Iba talaga ang naidudulot ng isang tunay at nagmamahal na kaibigan.

    ReplyDelete
  7. Maaasahan mo talaga ang mga tunay na kaibigan. <3

    ReplyDelete
  8. Magkakaiba man at madalas mag-asaran, kita pa rin ang ganda ng samahan. :)

    ReplyDelete
  9. naalala ko ang aking malapit na kaibigan dyan sa tulang iyan :)

    ReplyDelete
  10. magandang tula :")) tunay na pagkakibigan <3

    ReplyDelete
  11. magandang paglalarawan sa pagkakaibigan. pinapakita di lamang ang pagmamahal sa kaibigan dahil sa magagandang katangian pati pagtanggap sa kapintasan

    ReplyDelete
  12. Ang mga kaibigan ay pahalagahan nating tunay. :)

    ReplyDelete
  13. Ika nga..the more the merrier..tunay na pagkakaibigan..nice..

    ReplyDelete
  14. Tunay na kay saya ang magkaroon ng mga kaibigan.

    ReplyDelete