Lazada

Sunday, March 9, 2014

Pangako

Pangako
ni Arvin Arguelles

Kayraming umasa
Kayraming binigo
Sa simpleng pangakong
Lahat ay napako

Mahal pangako man
Ika'y di iiwan
Hanggang ang hininga'y
Malagot tuluyan

Araw ang nagdaan
Buwan ang lumipas
Ang simpleng salita'y
Tila kumukupas

Taong nasasaktan
Tanong sa isipan
Mahal ko, mahal ko
Pangako'y nasaan





13 comments:

  1. Sa kasalukuyan, may kasabihan ng "Promises are meant to be broken." Bihira na lang ang mga taong tapat sa kanilang mga pangako. Mayroong mga taong kapag nasaktan ay lumilimot na sa pangakong binitawan. Para sa akin, mahirap ng magtiwala sa mga tao.

    ReplyDelete
  2. Napakalungkot man isipin ngunit totoong iilan nalamang ang mga taong marunong tumupad sa kanilang binitiwang pangko. Kaya sa panahon ngayon, marami na din ang mga taong hindi na nagtitiwala.

    ReplyDelete
  3. Isa rin ako sa mga pinangakuan ngunit napako, at masasabi ko na napakalungkot kapag hindi natupad ang pinanghawakan sa iyo. Nakakalungkot talaga isipin na may mga taong ganito. Kaya natututo ang ilan mangaliwa, mangagaw, manloko, at mahirapan magtiwala.

    ReplyDelete
  4. sangayon ako ,sa panahon kasi ngayon,ang pangako ay tinetake na lang bilang isang salita na binabalewala,dapat isipin natin kung ano ang ibig sabihin nito,.Para sakin,sagrado ang salitang ito dahil ang pagsabi nito ay nangangahulugang pag ako ng responsibilidad na dapat tuparin.

    ReplyDelete
  5. Relate :)
    Karamihan ng mga pangako ay nababali. Pero huwag nating tandaan na may mga tao pading may paninindigan at may isang salita.. Marahil ay kakaonti na lang sila, pero di pa sila nauubos :D

    ReplyDelete
  6. Relate here :(
    Marami talagang mga pangakong napapako. Pero nasa tao pa rin yan kung kaya nyang panindigan yung mga binitawan nyang salita.

    ReplyDelete
  7. Promises are made to be broken. Pero di ba may mas maganda namang dumadating pagkatapos nun? :))

    ReplyDelete
  8. Masakit umasa sa mga pangakong lagi namang napapako! Mas mabuting huwag na lamang umasa!

    ReplyDelete
  9. Minsan talaga mas mabuting manahimik na lang kaysa magbigay ng pangakong walang kasiguraduhan kung matutupad. Sabi nila, mas nakakapagbitiw tayo ng mga pangako pag masaya tayo. Pero paano naman kapag nagtampo ka o kaya sumama yung loob mo? Edi nakakalimutan mo yung pangakong yun. Ang pangako, ang ibig sabihin niyan tinutupad. Dapat pinapahalagahan. At isa na dun sa dapat pahalagahan ay yung pangako natin sa taong pinakamamahal natin.

    ReplyDelete
  10. "Kapag naghiwalay tayo, ikamamatay ko." Eh bakit nung nagbreak buhay pa rin? Hahaha. Sabaw lang.

    ReplyDelete
  11. May mga pangakong sadyang hindi natutupad ngunit ang mahalaga ay natututo tayo sa bawat karanasan gamit ang pangako, mabuti man o masama. :)

    ReplyDelete
  12. Kaya sa lahat, ayokong makakarinig ng mga pangako. Kasi nakakadala. Mga gagawin yung ganito basta maging ganyan, at iba pang mga eklaboo. Kaya imbes na mangako, gawin nalang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. mahirap magbitiw ng pangako lalo na kung alam mo sa iyong sarili na ang pangakong iyon ay di mo kayang tuparin at ginagawa mo lang iyon upang mapasaya ang isang tao

      Delete