Lazada

Sunday, March 2, 2014

Ako'y May Dalawang Anghel sa Langit

Ako'y May Dalawang Anghel sa Langit
akda ni CATHERINE JARDELIZA

Tama ako, na darating ang araw na ito,
mistulang babalik ang mga pangyayari
Tama ako, na minsa'y maaalala
ngunit wala rito ang mapagkekwentuhan

Dalawang taong naging parte ng mundo,
ng mundo ko, ng mundo namin,
Hindi inaasahan, hindi man parating kausap sila noon
Bakit napapaiyak nila ako ngayon

Pasensya kung malabo, hindi naiintindihan,
dahil sadyang may mga bagay na tanging sarili lang,
ang makakaintindi
tanging sarili lang


Ako'y may dalawang anghel sa langit,
na parang kailan lamang sa lupa, ay naglalaro ng sipa,
araw-araw na nakikita,
ngunit ngayo'y imposible na yata

7 comments:

  1. Hindi matutumbasan ng salita ang pangungulila ng sumulat sa mga taong nawala sa kanya. Hindi niya kayang tumbasan ng salita ang sakit ng mawalan. Idinaan niya sa pagsulat nito ang lahat ng pangungulila niya.

    ReplyDelete
  2. Sa tingin ko'y ang tinutukoy ng may akda ay ang dalawa nyang mabubuting kaibigan na sumakabilang-buhay, at binabantayan sya.

    ReplyDelete
  3. ang paglisan ng mga mahal sa buhay ay nagiiwan ng isang sugat na di naghihilom, ang kanilang pagkawala ay nagdudulot ng labis na kalungkutan na di mawawala kahit sa paglipas ng panahon

    ReplyDelete
  4. Isa sa mga masakit na pakiramdam ay ang pangungulila. Walang halong biro pero maluha luha ako ngayon. Swearlalu. Pero kaya mo yan Cathy. :) May darating na mga taong hindi man matumbasan ang pagmamahal ng tinuturing mong mga anghel ng buhay mo, sana magdulot sila ng magagandang alaalang magbibigay sayo ng ngiti.

    ReplyDelete
  5. Masakit ang mangulila. at kahit na wala na sila dito sa mundo mananatili naman sila sa puso't isipan natin

    ReplyDelete
  6. Mahirap talaga mawalan ng mga kaibigan, parang kahapon lang nasa tabio sila, ngayon wala na. Maganda ang pagkakagawa ng akda na mistulang ang emosyon ay dalang dala. Keri mo yan girl, Alam mo yan :)

    ReplyDelete