Payong
ni Joy Ann Baracena
Aking inay oras ay nagdaan
Ngunit bakit parang walang pakialam
Kasalanan ko ba nang ika'y magpaalam?
Umalis at hindi na muling nagparamdam
Naging buhay sa paaralan, ni isa'y wala kang alam
Sa bawat sakit na aking pinagdaanan
Isama na ang bawat puot na pinagdusahan
Sa pangungulila magmula ng ika'y lumisan
Pilit kinalimutan mga ala-ala ng nakaraan
Sa lugar kung saan ako'y iyong iniwan
Naghintay sa pangakong ako'y babalikan
Dala-dala ang payong mong pinaka-iingatan
Mga ngiting nakawawala ng lumbay
Mahigpit na nakahawak sa malambot mong mga kamay
Nakatingala sa payong mong puno ng kulay
Nasambit mula sa bibig "wag ka nang lumisan INAY"
Puno ng damdamin
ReplyDeleteMahusay! Naramdaman ko mismo ang lungkot sa akda habang binabasa ito.
ReplyDeleteAng totoo'y naiyak ako nang bahagya! Ang galing! :)))))
ReplyDeleteNadama ko ang pangungulila ng isang anak sa kanyang ina. Nakakalungkot. :(
ReplyDeleteMakabuluhan ang iyong tula, nakakaantig ng damdamin.
ReplyDeleteAng mga pagsubok na gaya nito ay dapat na pagkunan ng lakas upang mapatunayang kaya mong bumangon kahit anong hirap. :)
ReplyDeleteMahirap ang mangulila sa tinatawag nating ilaw ng tahanan. :(
ReplyDeleteMahirap mangulila sa taong nagalaga at nagmahal saiyo ng sobra. Minsan nakakalutaan nating ipadama sa ating mga ina kung gaano natin Sila kamahal! Kaya't subukang ipadama sa kanila ang pagmamagal ng anak bago mahuli ang lahat
ReplyDeletemagandang tula :")) ang ina ay ina pari sa huli.
ReplyDeleteA must-read poem. Dapat nating mahalin ang ating mga ina, marami sa'tin ang nakakalimot nun. Cherish every moment with your mom because we can never turn back time.
ReplyDeleteMadamdamin at kay sarap basahin! Saludo sa mga ina! :)
ReplyDeleteAng tunay na anak dapat minamahal ang ina. Masarap magmahal ang ina. Huwag sila kalimutan. Pahalagahan ang oras na kasama sila :))))))))
ReplyDeleteNakakaiyak namiss ko nanany ko :'( i love you mama.
ReplyDeletedapat talagang mahalin at pahalagahan ang ating mga ina sapagkat sila ang nagbigay satin ng buhay. iloveyou mama.. para ito sa lahat ng ina..
ReplyDeletemahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang. ipadama ang ating pagmamahal at pasasalamat habang sila ay kasama. :)
ReplyDeleteWalang kapantay ang pagammahal ng ating mga ina. Nararapat lamang na sila'y ating mahalin, galangin at ipakita natin kung gaano sila kahalaga hanggat silay kasama pa natin.
ReplyDeleteMula sa puso ang pagkakagawa. Ang galing! :)
ReplyDeleteAng ganda! nakak-antig ng puso! :D
ReplyDeleteIsang tulang may pakiramdam. Parang naramdaman ko din ang sakit na nararamdaman ng sumulat. Mahusay!
ReplyDelete