Lazada

Sunday, March 2, 2014

Dangal Ma’y Nasusugatan Din

Dangal Ma’y Nasusugatan Din
akda ni Jimlas Giddel R. Pacia

Pilit ninyong inangkin
Lupa at teritoryo namin
Kung inyong mamarapatin
Kami’y mga tao rin

Lubos na pagpapahirap
Ang aming hinarap
Labis na kahihiyan
Ang aming naranasan

Nalipol ang karapatan
Nang dahil sa kapangyarihan
Inabuso ng may kakayahan
Ang may kababaan

Hinagpis ng nakaraan
Dulot ng mga dayuhan
Minsang nasugatan
Dangal ng mamamayan.

4 comments:

  1. Masakit mang isipin, pero ganyan talaga ang nangyayari sa kasalukuyan. Kaya't kailangan natin ng pagbabago.

    ReplyDelete
  2. Patuloy na nagiging alipin tayo ng mga dayuhan kahit na nasa sarili tayong bayan. Tunay ba nating masasabing nakamit na natin ang kalayaan kung hanggang ngayon ay nadidiktahan pa rin tayo ng mga dayuhan? Isip isip din. Katulad nga ng sinabi ni kuya sa taas, kailangan talaga natin ng pagbabago, pagbabagong magpapakalas sa atin sa pagiging puppet ng mga dayuhan.

    ReplyDelete
  3. hindi natin dapat hayaan na magpatuloy ang ganito. marahil ay makapagbabago tayo kung nanaisin nating lahat ito.

    ReplyDelete
  4. Ganun talaga ang mangyayari kung ang mga naaapi mismo ay hindi lumalaban. Lahat naman ng tao ay may karapatan, depende na lamang iyon kung papanindigan mo ang mga karapatang mong ito. Pare-pareho tayong tao, pantay-pantay tayo sa mata ng Diyos.

    ReplyDelete