Lazada

Sunday, March 16, 2014

Isang ngiti na lang ni Catherine Algario

Isang ngiti na lang
akda ni Catherine Algario

Ngumiti ka at ganoon din ako
Pagbati ng magandang umaga sa’yo
Lunes noon, unang araw ng Mayo
Pagkakataong magkakilala ay di nabigo

Mapupungay mong mata’y muling nasilayan
Martes ng hapon sa inyong bakuran
Ngiting nagtatanggal ng aking kalungkutan
Mukha mong buong araw ay di na malimutan

Huwebes na , panibagong araw na naman
Ngumiti kang muli, ngunit may pag aalangan
Malungkot na balita ay iyong tangan
Na labis na nakapagpabagabag sa’king isipan

Biyernes- araw na di ko nais dumaan
Muli kang ngumiti- ngiti ng paalam
Dalhin yaring puso sa’yong paglisan
Pagkat tinitibok nito ay iyong pangalan

Bago ka umalis, isang pabor naman
Pahingi kahit isang ngiti na lang
Tunay at wagas na aking iingatan
Kung may pagkakataon muli, maari ba kitang ligawan ?


4 comments:

  1. Kahit simpleng ngiti lang ay lubos ng nakapagpapasaya sa isang taong nagmamahal. :)

    ReplyDelete
  2. Isang ngiti lamang ng hinahangaan, tiyak buo na ang iyong araw :)

    ReplyDelete
  3. Kapag ang isang tao'y nagmamahal, bawat ngiti ng kanyang sinisinta para sa kanya ay napakahalaga! :)

    ReplyDelete
  4. Isang ngiti lang mula sa'yong minamahal, siguradong magiging masaya na iyong buong araw. Mapapamahal ka pa ng todo-todo =))

    ReplyDelete